Esteban's POV Pagkatapos kong ihatid si Zylie sa bahay nila at pagkatapos niya akong iwanan doon para magtago sa kwarto niya, tinawagan ako ng daddy niya para papuntahin sa kabilang bahay. He said they saw us already and they needed me as soon as possible. Para naman dala-dala ko ang sagot sa mga katanungan nila, ano ako? Madam Auring? Pero pumunta pa rin naman ako sa bahay ng mga Pedroza. Sigurado naman na akong safe sina Zylie rito. Sa dami ng mga nagbabantay na pulis at mga agents galing sa security agency nila, baka ultimo langgam, hindi makadaan. Sana pala hindi na lang ako nagpunta rito, parang war zone itong opisina ni Mr. Pedroza. "So wala pa rin tayong suspects, walang tumatawag, walang nanghihingi ng ransom? Nada? Walang kahit na ano?" Dumadagundong ang boses ni Toby Pedroza s