Zylie's POV Kagaya ng nangyari noong una, hinatid ulit ako ni Esteban sa restaurant kung saan kami unang nag-meeting ni Dylan. At gaya rin noon, tahimik lang siya buong byahe, which is weird. Samantalang hindi ata uso sa lalaking ito ang salitang tahimik na buhay. I wanted to talk to him, ask him kung saan siya galing kagabe, kung anong oras na siyang nakauwi at kung sinong kasama niya, but that's invasion of privacy. Isa pa, wala naman talaga akong karapatang tanungin siya no'n, hindi naman ako mananakop para sakupin pati ang buhay niya. 'Maybe he's with Jaime?' Bigla kong naisip. But then, hindi ugali ni Jaime ang lumabas sa gabi. She would rather stay at home, read or do whatever the fck she wanted to do during her free time and I know she have a lot. Kung bakit ba naman kase hindi