ISANG BUWAN ANG nakalipas, nakakulong ako ng isang buwan sa aking kuwarto. Minsan lang ako lumalabas kapag magpapahangin. Simula nang makunan ako, sa bahay na muna ako nina mamá tumira. Hindi ko rin alam kung ano nang nangyari kay Anthony dahil hindi ako lumalabas ng bahay. I just want to be alone, like I want to be myself because of what happened. Diana killed my child, she really did that. Babalik ako, hindi man ngayon pero alam kong darating din ang panahon na makakabawi ako sa ginawa niya sa akin. Anthony's wrong, he might not blame me, hindi ako ang pumatay sa anak namin dahil ang walang hiyang kabit niya ang gumawa noon. Hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na basta na lang saktan kaya lumaban ako, and I don't even know na mangyayari iyon, na mahulog ako sa hagdan at mamatay ang