Chapter Twenty- Seven KIEL SOBRANG bilis dumaan ang araw. Agosto Bente- Uno na ngayon at ilang araw na lang ay sasailalim na ang aming bayan sa General Community Quarantine, ibig sabihin ay malapit na rin siyang bumalik sa kanyang trabaho. Sa pagkakaalam ko ay sa September 15 pa magbubukas ang kanilang pinagtatrabahuan. Handa na ba akong iwan niya ulit? Hindi ko alam. Kasalukuyan pa rin na mahimbing ang tulog ng aking katabi. Sumakit kasi ang puson niya kagabi dahil pangalawang araw pa lang ng kanyang dalaw kaya naman dalawang gabi na rin kaming hindi naglalaro ng baril- barilan. Baka bukas ay pwede na. Natulog ako rito sa bahay nila dahil yun ang gusto niya. Hindi naman na nila kami pinagalitan dahil nga sabik na silang magkaroon ng apo. Mga supportive na mga magulang. Hindi ko na siy

