chapter 4

1268 Words
Celeen pov " good morning!" I mumble to my self while smilling pagkatapos kong ioff ang alarm clock ko. Excited ako today dahil ito ung first day ko bilang teacher sa isa sa mga kilalang unibersidad sa maynila. Sobrang Saya ko dahil natanggap agad ako doon kahit fresh board passer pa lang ako. Bumangon na ko para mag shower. After kong maligo , pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang hair drier. Nang matapos ang isinuot ko na ang aking damit, isang long sleeve na puti na sinusunan ko ng tube na pula, hinayaan ko bukas ang ilang butones nito pra mkita ang tube na suot ko. Sa pang ibaba naman ay isang fitted slucks na color black. Tinernuhan ko ang aking outfit ng black sandal na may heels na 2 inch, matangkad na kc ako 5'6, para sakin matangkad na yan noh.. Paki nyo ba. After kong masigurong ok na ang itsura ko bumaba na ko, dumeretso ako sa kitchen para magkape, hindi na kasi ako nakaluto ng almusal dahil baka malate pa ako, wala nman gagawa nun para sa akin dahil nasa Canada na ang parents at siblings ko, dun na kasi kame nakatira, infact duon ako nag aral ng college, umuwi lang talaga ko dito dahil gusto kong dito mag turo, buti nga pinayagan ako ng parents ko eh, ako na lang kasi ang kasama nila sa bahay duon dahil yung ate at kuya ko ay may sarili ng pamilya. Pagkadating ko sa university sa admin office naagad ako dumeretso, para kuhanin ang schedule ng mga klase ko. " good morning po Mrs.Gonzales, kukunin ko lang po yung schedule ng class ko" sabi ko dito ng nkangiti. " good morning din Ms.salazar, oh heto." bati din nito sakin sabay abot ng papel ng schedule ng klase ko. " thank you po!" Sagot ko dito, saktong nadinig ko na ang tunog ng first bell, meaning kelangan ng pumunta sa kanya kanyang room ang studyante. " welcome iha, and good luck sa first day mo bilang teacher.,." sabi nito sa akin, ngumiti ako ulit dito at muling nagpasalamat at nagpaalam na din, tumango lng ito sakin. Naglakad na ko patungong homeroom ko sa aking advising class. Nakita kong madaming studyante ang nasa loob, kanya kanyang huntahan, At tawanan.. malamang ipinagyayabang ang naging bakasyon nila, kung saan sila nagpunta, kung anung ginawa nila at kung anu-anu pa. " Good luck Celeen jade, kaya mo yan! Para sa ekonomiya! Fighting.! " Bulong ko sa sarili ko bago pumasok sa loob. Nanginginig ang tuhod ko sa magkahalong kaba at excitement na nararamdaman ko ngayun. Para din akong maiihe. Sana pala nag baon ako ng diaper. Pumasok na ko sa loob, at ang mga studyante ko ay patuloy pa rin sa kwentuhan, ni hindi man lng ako ata tiningnan o hindi man lang ata ako ng mga ito napansin. Pinabayaan ko na lang muna dahil hindi pa naman tumutunog ang second bell, hudyat na magsimula na ang klase. Umupo na ko sa desk ko, at hinayaan sila. Bala kayo dyan. " good morning class, so lets start!" Sabi ko ng pagkatunog na pagkatunog ng second bell, tumahimik naman sila at lahat tumingin sakin na may pagkagulat at pag hanga... understood ko ang paghanga dahil well hindi sa pagmamayabang maganda ako at sexy, kahit ata basahan ang suotin ko mukha p din akong rarampa sa red carpet. Oh bawal kumontra. Tunay yun. " I'm Ms. Celeen Jade Salazar, call me Ms.salazar, I'm your english teacher for this year. Puwede din next year kung gusto nyo maging repeater." Panimula ko na may kasamang biro. Pang pa gaan ng mood. " Ma'am!" Tawag pansin ng isang lalaki studyante " Yes mr.?" Tanong ko hindi ko pa akasi alam ang mga pangalan nila. " Ma'am curious lang po ako, sigurado po ba kayong teacher namin kayo at hindi classmate?" Tanong nito. " what do u meant by that?!" Taas kilay kung tanong, letche hindi ko alam kung iniinsulto ba ko ng batang to o anu. " I mean ang bata niyo pa po kasi para maging teacher namin parang kasing edad lang namin kayo Ma'am." sagot nito Ah un pala un, kaya pala may pagtataka sa mga mukha nila kanina, sabagay hindi ko sila masisisi dahil baby face ako.. May nag sabi nga saken puwede pa daw akong maging model ng feeding bottle. Haha charot " Oo nga po Ma'am, ilan taon na po ba kayo?" segunda naman ng babae na medjo curly ang buhok sa baba " I'm 25" tanging sagot ko habang nakangiti, sige pagbigye muna ang kakulitan nila tutal papuri naman sa aken. " Ma'am, are you single?!" Tanong naman nun katabi nung nagtanong kanina na girl. Bakit nman kaya pati yun ay kailangan itanong nito ? Don't tell me na lesbian sya sa ganda niyang yun. Sa bagay wala naman masama kung lesbian sya , kanya-kanya lang yan. " ang personal na ng tinatanong mo neng" Sagot ko ng nkangiti " ok dahil first class ko kayo sasagutin ko yan, no I'm already taken" " ay...sayang.." nadinig kong bulungan ng mga boys, and natatawa ko kasi pati ung dalawang girls n ngtanong eh nghinayang din, samantalng ung katabi nila na isa pang girl, nakasimangot lang.. problema nito?! " hahaha, kayu talaga. Bakit naman? Anung nakaka panghinayang doon? " e kc Ma'am hindi na namin kayo puwedeng ligawan." Sagot ng babae na katabi ni Ms.simangot, kanina pa kasi itong hindi maipinta ang mukha. Problema nito? speaking of her parang familiar ito sakin. " ganun?!" Sabi ko at tumango at nag oo naman sila . " e kahit naman single ako hindi niyo pa din ako puwede ligawan, una dahil studyante ko kayo, pangalawa dahil mga bata pa kayo at may mga gatas pa sa labi, pangatlo ay para sayo Ms.? dahil hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae. Hindi naman sa homophobic ako o ano nagkataon lang straight ako."paliwanag ko sa mga ito. Tiningnan ko yung estudyante ko na kanina pa parang malaki ang problema . Tss. Mas busangot pa ito ngayun kahit siguro magaling na pintor e mahihirapan ipinta ang mukha nya pero infairness naman mas nagmukha syang hot sa itsura nya ngayun. What?! Hot! No... no... erase... letch* kelan p ko nagsabing hot ang isang babae? " ok, stop na ang Q and A huh!, lets start, first i will call yourr name and you will say present. " yes Ma'am!" They said in unison Inumpisahan ko na ang attendance, at bawat student na tinatawag ko ay tinitingnan ko para malaman ko kung sino ba yun mga pangalan na iyon. At ang nagtanong pla kung sure ba kong teacher ay c James Lorenzo. At ang nagtanong ng edad ko ay si Amber Perez At ung nagtanong kung single ako ay si Hanna Mendez. Mukhang magbabarkada ang mga ito dahil mgkakatabi sila ng mga upuan, e ktabi din nila si Ms.simangot pero hindi nman ito nagtanong kanina. Ipinagpatuloy ko na ang pagtawag ng attendance. " Alexandra Martunez" tawag ko " present' sagot nito tiningnan ko kung sino at si Ms.simangot pala, saktong nakatingin din ito sakin at nagkatitigan kame, ganun pa din ang mukha nito nakasibangot pa din, pero ung mata niya parang iba ang gustong sabihin, hindi ko lng magets hindi naman kasi ang optical. Haha charot ulit. Familiar talaga itong batang to sa akin , saan ko nga ba ito nakita dati.? " oh!" Bulong ko ng maalala ko kung saan, siya pala yung babae sa party na nakita ko at nkipagtitigan sa akin. Akalain mo nga nman makikita ko pala ulit sya, at studyante ko pa! Sayang! Luh?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD