Alexandra pov Paggising ko wala akong ibang nakita kundi puro puti. Mula kisame ,pader at ultimong kurtina ng binatana ay puti. Nasaan ba ako? Muli akong pumikit para alalahanin kung anu bang nangyari dahil ang natatandaan ko lang ay nagmamaneho na ako pauwe. Naputol ang pag iisip ko ng madinig ko na bumukas ang pinto. Pumasok sa loob si Mommy na nakangiti sa akin, bakas na bakas ang saya na makita ako. " Anak oh my god. Thank you at nagising kana." "Anu po bang nangyari Mommy, asan ba ako?" Tanong ko pagkatapos niya akong halikan sa pisngi. "Naaksidente ka anak, at tatlong araw kang tulog." Naiiyak na saad nito sa akin. Accident? Muli kong inisip kung ano ba ang nangyare bago ako maaksidente. Parang gripo na naman ang luha ko dahil naalala ko na ang nangyari. Iniwanan nga pala