PMS2-18.1 HER eyes are blurry. Pakiramdam niya'y nakalutang siya sa ere. Pilit niyang inaaninag ang lalaking kumarga sa kanya. "J-jay?" anas niya nang makilala niya ang lalaki. "Pasensiyahan tayo Jarsey pero napag-utusan lang naman ako. Ang laki ng offer at saka paghihiganti ko na rin ito sa iyo dahil sa hindi mo pagtanggap sa pag-ibig ko." "A-ano?" Nahihilo pa siya. Hindi siya makakilos ng maayos. Kahit malabo ang paningin niya ay kita niya pa rin kung saan siya ipinasok ng lalaki. Sa isang silid kung saan walang bintana at tanging bombilya lang ang mayroon. Ibinaba siya ng binata sa sahig. At ang tanging huling narinig niya ay ang pagsara ng pinto ng silid. Dahan-dahan siyang napabangon at sinapo ang kanyang batok. Wala naman siyang sugat na natamo pero nahihilo pa rin talaga siy