PMS2-11 "COFFEE sir?" anang secretary niya. "Yes, please," sagot niya at nahilot ng kanyang sintido. Nasa kalapit siya na branch ng clinic niya nag-oopisina ngayon at sa totoo lang ay stress na stress siya. Ang dami pa lang na-damage ang mga kagamitan niya sa clinic at kailangan niyang bumili ng mga bago. Initsa niya ang folder sa mesa at sumandal ng todo sa kanyang swivel chair. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang nobya. Nakailang ring pa bago tuluyang may sumagot. "Con," may himig ng paglalambing ng dalaga sa kanya nang ito'y sumagot. "I miss you Krimy. God! How I missed to touch you," aniya na may kasama pang buntong-hininga. "Ako rin Con," ani ng dalaga. Bigla namang nag-pop-up ang kanyang messenger icon and it was Jarsey. Binuksan niya ito at agad na bumungad sa kan