Pagkarating ko sa bar ay kaagad hinanap ng mga mata ko ang lasing na si Chard kahit na maraming tao at maingay, at tulad ng inaasahan ko ay nakita ko siya na nakahiga ang ulo sa bar stool. Mabilis ako lumapit at tinignan kung ayos lang siya nang biglang magsalita ang waiter sa harap ko. "Kayo po ba si Lorainne?" sambit ng waiter, at napatingin ako sa kaniya. "Yes, ako nga. Kanina pa ba siya rito? Gaano kadami ang nainom niya?" sagot ko, at siya naman ang tinanong ko tungkol kay Chard. "Dumating po siya nang hapon around 4. Umiinom na po siya nun. Ito po lahat ng nainom niya," tugon ng waiter, at tinuro sa akin ang mga bote na ininom ni Chard na nasa gilid ko lang. Oh, my goodness. Ang dami niyang nainom. Ilan 'to? 28? Hay, naku, Chard. Tumingin ako ulit kay Chard na bagsak na bagsak