BUMAGSAK si Quinn na tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod, halos hindi niya matanggap ang sinapit ni Axel. "Hayop ka Steela! Lumabas ka! Huwag kang magtago, labas..." puno sa galit na nagsisigaw si Quinn at gigil na gigil na itong mapatay ang babae. Paikot-ikot naman sa paligid si Warren at naghahanap ng tubig, ngunit sa kabilang dako ay may nakita siyang fire extinguisher at patakbo niya itong kinuha. Agad niyang binombahan ang katawan na nasusunog. "Axel… Axel…" walang tigil ang hagulgol ni Quinn habang pagapang niyang nilapitan ang katawan ng bangkay. Halos hindi na makilala ang mukha ng bangka dahil sunog na sunog ito. Nasagi ng mata ni Warren ang kamay ng bangkay at nakita niya ang singsing. Tinanggal niya ito. "Quinn," paanas niyang sambit at inabot ang singsing. Nangin