Dumating ang kanilang private doctor at agad tinurukan ng pampatulog si Quinn. "Doctor, ano'ng nangyari sa aking asawa?" "Over stress lang siya Axel, mas mabuti na rin kung mailabas niya ang sama ng kaniyang loob kaysa kimkimin niya ito. Mag-iwan ako ng gamot ipainom mo ito sa kaniya, tatlong beses sa isang araw with in seven days." "Sige, doctor. Thank you!" Nang makaalis ang doctor ay umupo si Axel sa tabi ng asawa at muli siyang napaluha habang hinaplos niya ang buhok ng asawa. "I'm sorry,wifey. Hindi ko ito ginusto na mangyari sa atin ang problema na 'to. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon natin ngayon pero pangako, hindi ko ito susukuan at gagawin ko ang lahat para maibalik sa dati ang ating buhay." At pinunasan niya ang kanyang mga luha. Dahil sa sobrang pagod ay hindi na nakap