Akhira's Pov "Oh my God, Akhi. Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ng Nanay mo. Ang kulit, tanong nang tanong hindi ko naman alam ang isasagot ko. Eh, magkasunod lang tayo kanina tapos bigla ka na lang naglaho," paglabas ko pa lang ng malaking bahay ay agad na akong sinalubong ni Mayu ng mga salita niyang walang katapusan. Ngunit dahil maganda ang simula ng aking gabi ay isang matamis na ngiti lang ang isinagot ko. Napilitan lang akong umayos at naging seryoso ang aking mukha nang sumulyap sa gawi ko si Tatay. Nasa tabi niya si Nanay at napansin ko rin kung paano niya ako itinuro gamit lang ang kanyang mga labi. "Anong mayro'n sa ngiti mong iyan, Akhi? Nababaliw ka na yata. Kanina lang, iyak ka nang iyak. Ngayon naman? Heto ka sa harap ko at may matamis na ngiti sa mga labi