Akhira's Pov Ilang sandali pa ay pumasok ako ng aking kwarto at nang lumabas doon ay hawak ko na ang papeles na nagpapatibay na legal kong inampon si Arianna. Subrang napamahal na sa akin ang bata at itinuring ko na ito na sariling akin. Pero hindi ako sakim para angkinin ang hindi naman talaga akin. Sila ang may mas higit na karapatan sa bata. At kung pipiliin nitong sumama sa sarili niyang Ama ay matatanggap ko ng bukal sa aking kalooban. Hindi nagtagal ay lumabas na nga sa kwarto si Adrian habang karga pa rin ang anak ko. Namimilipit sa subrang sakit ang aking puso. Hindi ko yata kakayanin na mawala sa akin ang anak ko. Pero ayaw ko rin naman sarili ko lamang ang isipin ko. Mas priority ko ang nararamdaman ng bata. "Akhira," emosyonal na sambit ni Adrian. Walang salita na luma

