Akhira's Pov Dahil nakapangako akong susunod kila Nanay at Tatay sa bahay ng kapatid ko ay napilitan akong magpalit ng suot at sumakay sa kotse. Gusto po sanang hintayin si Adrian ngunit wala na rin oras pa. Dalawang araw na siyang hindi bumabalik at baka nga wala na rin siyang balak bumalik. Sa huli ay si Ivan ang maingat na nagmaneho para sa amin ni Mayu. At dahil nandirito ang pamilya ko ay umakto ng maayos si Mayu at sa likod siya umupo kasama ko. Pagdating sa bahay ng kapatid ko ay agad kong nakilala ang mga lalaking nakatayo at nakabantay sa labas. Mga guard iyon na palaging kasama ni Lolo. At sigurado ako na nasa loob na siya ng bahay. Pagtigil ng aming sasakyan ay sakto namang paparating din ang apat pang sasakyan. Nangunot ang noo ko ngunit nang makilala ang isa sa mga sasaky