Chapter 106

1047 Words

Akhira's Pov Nang makapasok sa sasakyan ay isinandal ko ang likuran sa upuan at saka marahas na bumuntong hininga. Sa ginawa kong ito ay mas lalo ko lang ginawang complicated ang lahat. Malabo nang maayos pa kung may dapat mang ayusin. Naging parausan na ako ng mga lalaki dahil sa sarili kong kagagawan. At huli na rin para sisihin ko pa ang aking sarili. Nangyari na ang nangyari, wala na akong mababago pa. Lumipas ang mahigit kumulang kalahating oras bago ko binuhay ang makina ng sasakyan. Wala pa ring tamang direksyon nang lisanin ko ang gusali. Talagang ayaw ko pang umuwi. Bahala na kung magalit man si Tatay dahil sa ginagawa kong ito, pero sadyang hindi ko nakikita ang aking sarili na tahakin pabalik ang aming tahanan. Habang nasa kalsada ay hindi magkamaliw ang aking mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD