Chapter 90: Return of Felipe

1831 Words

Marami ang nagulat sa biglaang pagbabago ni Felicity. Karamihan sa kanila ay natuwa sa kaniyang naging pasya para sa kabutihan ng kaniyang anak na si Aquia. Oo, may kaunting pag-uudyok galing sa pari na huli niyang nakausap tungkol sa kaniyang personal na suliranin ngunit nasa kaniya pa rin nagmula ang mga hakbang at una pa lamang ay isa na iyon sa mga ideyang nasa isipan nito. “Masaya ako anak dahil sa wakas mayroon ka na ring nakitang dahilan para ituwid ang buhay mo.” Kaniyang nakuhang komento sa ina nang dumalaw siya kinabukasan sa kanila upang doon mananghalian gaya nang kaniyang nakagawian. “Para namang sinabi mo, mother Earth na dating patapon ang buhay ko,” maarteng reklamo ni Felicity dahil sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinabing patapon ang buhay mo noon, a! Wala akong anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD