Elyana's Point of View Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng pagtulog nang maalala si Felicity. I was hundred percent sure na siya ang umalalay sa akin sa banyo nang umagang iyon. Siya lang naman ang kilala kong maarte at mahilig sa matamis na amoy na pabango. Napabalikwas ako ng bangon. Wala na ang hilo ko. Hindi na rin masakit ang ulo at hindi na parang nangangasim ang sikmura. Almost ten in the morning na rin nang mga sandaling 'yon kaya una kong naisip, baka wala na siya at umuwi na sa kanila. Isipin pa lang ay parang naiiyak na 'ko. Hindi man lang kami nakapag-usap gaya ng pangako niya but my guts told me na naroon pa siya. Like a hint na galing kung saan. Nagmadali ako sa pagbaba ng hagdan para hanapin siya. Kulang na lang talunin ko na mula sa itaas, pababa. Nakarating na 'ko sa