Elyana's Point of View It was only two weeks when I started to feel the pregnancy symptoms. Nakabibigla pero normal lang daw iyon ayon na rin kay Doc Lilia at maaring mawala kalaunan pero hindi ako komportable sa araw-araw kong nararamdaman. I went back and forth sa clinic niya dahil sa takot ko na baka ikasasama ng baby ko ang mga iniinom at kinakain ko. Iyong simpleng kirot sa parte ng katawan ko ay naalarma na ako. Naka-pa-paranoid sa totoo lang at tinatawanan na nga ako ni doc pero naiintindihan nama daw niya ako. First baby raw kasi at nakikita na niya kung gaano ako ka-overprotective sa baby ko. Lately, napakarami ko ring mga napapansin sa paligid. Kahit sa pagkain, naging mapili ako at ayaw ko ng bawang at sibuyas sa pagkain. Maamoy ko nga lang naduduwal na ako at napapatakbo ag