Third-person's Point of View Hatinggabi na at nagpapahinga na ang lahat sa mansion nang mabulabog sila sa lakas ng sigaw ni Elyana mula sa kaniyang silid. Si Felicity ang unang nakarinig dahil nasa tabi lang ng guestroom ang silid ni Elyana kung nasaan siya natutulog. Kumaripas siya ng takbo na may takot sa diddib. Inisip agad na may masamang nangyari kaya napasigaw ang buntis. "F-Felicity..." mahina nitong tawag sa ngalan ng taong nakita niyang nagbukas ng pinto at agarang pumasok sa kaniyang silid. Namimilipit siya sa sakit. Hindi alam kung saan hahawak, kung sa tiyan ba o balakang dahil tila umiikot ang kirot na kaniyang nararamdaman. Nang makita ni Felicity ang itsura nito, wala ng tanong-tanong pa, binuhat niya agad si Elyana mula sa kama. Hindi alintana ang kabigatan nito o k