Third-person's Point of View Dumating na ang araw, parehong on the way na sina Florentin at Elyana papunta sa klinika ni doktora Lilia nang walang ano-ano ay nakatanggap ng tawag si Florentin mula kay Felicity nang maaga. "Answer the call," utos niya sa AI na naka-install sa kaniyang mamahaling sasakyan at ito na ang pumindot ng tawag para sa kaniya. "Hel..." "I set a date for April's mom today. I'll forward the place and time. Sasama raw siya sa nanay niya just for moral support and for sure sa malayong table lang siya. Grab this chance!" Hindi na niya pinatapos si Florentin sa pagbati at ito agad ang bungad ng matchmaker sa binata. "Okay," kaniyang sagot at biglang kinabahan dahil sa wakas ay muli niyang makakaharap ang babaeng natitipuhan. Isang mensahe nga ang agad na dumating