Third-person's Point of View "Saan ka na naman pupunta?" Nagitla si Felicity sa biglang pagsulpot ni Felix mula sa kung saan. Nahinto siya sa paglalakad at hinarap ang kakambal na buhat ang kaniyang pamangkin na mana sa ina niyang bungisngisin. Kalalabas lang ni Felix sa comfort room na malapit sa dining area nila. Pinalitan niya lang doon ng diaper ang magdadalawang buwan pa lamang na anak. "A-Akyat lang ako... sa kwarto. I-I need to send a...a file to a client kasi...urgent," utal-utal nitong sagot dahilan para mapangisi si Felix. Kilalang-kilala niya kasi ang kakambal at ramdam niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi at sa pagkakataong 'yon, bakas ang kasinungalingan sa kaniyang mukha. "Sinungaling. Tatakas ka na naman ano?" ani Felix sa kaniya at pinanlakihan ito ng mga ma