Isang galit na galit na Diane ang naiwan sa pool area matapos siyang talikuran ni Finn, ngunit mas pinili niyang pakalmahin ang sarili. Sa galit, isang hilam na luha ang mabilis na dumaloy mula sa kaniyang kaliwang pisngi na kaniya ring mabilis na pinunasan. Mabigat ang dibdib dahil tila wala pa rin kahit na katiting na pagtingin sa kaniya si Finn kahit ginagawa naman na niya ang lahat upang mahalin nito. Wala na si Elyana, hiniwalayan na siya ngunit parang wala pa rin sa kaniya ang atensyon ng lalaki. Patuloy lang nitong sinasaktan ang puso niya. Kaya niya pang magtiis nang kahit gaano katagal, ngunit ang makitang tila kahit anong paraan ay dehado pa rin siya ay nakapanlulumo naman talaga. Nais niyang maniwala na balang-araw ay magagawa rin ni Finn na mahalin siya. Pagmamahal na higit