Felicity's Point of View Matapos ang mahabang araw, nakarami rin sa wakas ng natapos na trabaho. Approval na lang mula sa mga clients ang kulang at ang sekretarya ko na ang bahala roon. Tambak na tambak na talaga ang mga files sa opisina ko at naisip kong itago na ang mga iba na mission accomplished na. I wonder kung gaano karami ng mga kliyente ang nabigyan ko ng kapareha. Mukhang ito talaga ang landas na para sa akin, ang maging alagad ni kupido at mapabilis ang kaniyang trabaho sa lupa. 'Okay uwian na mga bakla! Makapagpapahinga na ako! Pero wait—muntik ko ng makalimutan na kailangan ko palang balikan ang nanay ko.' Hindi pa papa tapos araw. Tiyak na magagalit sa akin 'yon kapag hindi ko pinagbigyan. Halos isang linggo na rin kasi na hindi ako nakapupunta sa bahay dahil inaalagaan