Third-person's Point of View Dumaan ang dalawang araw at naging abala nang husto si Elyana sa pagsasaayos ng mga kakailanganing papremyo sa kanilang first-ever Christmas party na tinawag pa ni Daldalita na “Pabulous Night.” Required na magsuot sila ng magara dahil na rin sa hiling nila. Minsan lang daw kasi mangyari kaya lubos-lubusin na anila kaya sinang-ayunan na ni Elyana. Kung saan daw sila masaya, go lang daw siya. Nakapamili na siya ng mga regalo na palihim pa niyang ginawa lalo na ang para sa mga kasambahay na kailangan niya pang maghanap at mag-contact ng iba’t-ibang mga tao para sa courier at ang set ng date kung kailan ipadadala. Bumili na rin siya ng para sa kaniyang matalik na kaibigan na isang fashionable na bag mula sa isang mamahaling brand na tiyak siyang magugustuhan