"Anak, I'm sorry for causing you too much pain." It broke my heart hearing him this emotional after I've heard the real story. "Wala ka rito ngayon sa hospital kung hindi dahil sa akin. Alam ko kahit hindi mo sabihin na ako ang pangunahing nang-i-stress sa'yo..." "Iwan ko na muna kayo," singit ni mommy at naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa aking balikat. "It's time to forgive, anak, this is for your own sake." Pagkalabas ni mommy ay kapwa kami natahimik ni dad. Hiyang-hiya ako sa mga nasabi at nagawa ko. Oo, may galit pa rin sa puso ko, pero hindi ko na iyon ma-distinguish kung galit pa ba iyon o pride na lang, o kaunting pagtatampo. But surely, I understand it better now. Hinawakan niya ang braso ko, magaan at nanginginig ang mga kamay niya, tila nag-aalangan at natatakot sa