Pasuray-suray akong naglakad papasok sa pintuan ng apartment nang matigilan dahil nakita ko si Vince na mariing nakatitig sa akin, kuyom ang panga, at kunot na kunot ang noo mula sa kabilang kalsada. Inirapan ko siya lalo nang maalala na nakipag-date siya kanina matapos akong i-reject sa pagri-reach out ko na sumabay sa kanya. Yeah, whatever! Bahala siya sa buhay niya. Makipag-date siya sa kahit na sino, wala akong pakielam! "s**t!" Padabog kong tinampal ang pinto nang hindi pa rin mabuksan iyon matapos ang dalawang beses kong pagsubok na ilagay ang susi at ipaikot. Maling susi ba ito? Nakakairita! At ngayon pa talaga? Sa sobrang inis ay sinipa ko ang pinto at agad ding nagsisi dahil nasaktan ang paa ko. "Saan ka galing?" Literal na napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Vi