MAKALIPAS ang limang taon... "Mommy, look, oh, may butterfly!" Naitigil ni Margareta ang paghalo sa niluluto niyang sinangag nang mapansin ang apat na taon niyang anak na lalaki na hinahabol ang malaking paruparu. "Enzo, anak, huwag mong huhulihin! Hayaan mo na siyang lumipad!" saway niya sa bata. Natigilan siya nang kusang dumapo ang dilaw na paru-paru sa kamay ni Enzo. Giliw na giliw ang bata sa paru-paru. Walang katumbas na halaga ang tawa nito. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paghahalo sa niluluto. Mamaya'y may mga kamay na pumulupot sa baywang niya. "Good morning, my dearest wife," anas ni Zandro sa puno ng tainga niya. Iniwan na naman niya ang kanyang ginagawa. Hinarap niya ang kanyang asawa na amoy sabong panligo na may sangkap na lemon. Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books