"KAILAN ba ang eksaktong petsa ng kasal ninyo ni Renn, Anak?" tanong ni Josefa kay Zandro nang kasalo niya ito sa tanghalian. Tumigil siya sa pagsubo. "Hindi ko pa maharap sa ngayon, Ma. Maraming buntis na mga baka at kabayo, sunod-sunod silang manganganak. Marami ring hayop na nagkakasakit at kailangan kong ma-monitor ang production," aniya. "Anupa't inalok mo na ng kasal si Renn?" Hindi siya nakaimik. Ang totoo niyon, hindi pa naman sana niya aalukin ng kasal si Renn kaso madalas siyang inuusig ni Kenji. Para matigil na ito sa pagdududa sa kanya, ay nagpasya siyang mag-propose ng kasal sa kapatid nito. Nararamdaman naman niya na hindi niya iyon pagsisihan dahil matagal na silang magka-relasyon ni Renn. Kilala na niya ito. "Makapaghihintay naman si Renn, Ma," sabi lamang niya. "Baka