Galit na talaga si Olivia sa babaeng kausap ni Titus, parang hindi ata alam ni Titusna andoon siya. "Sorry, do I know you?" taas kilay na tanong ng babae kay Olivia. "No! gusto mo magpakilala ako sayo?" mataray na sagot ni Olivia. Nakikiramdam lang si Titus sa sagutin ng dalawa, gusto niyang malaman kong paano magalit at ipaglaban siya ni Olivia sa mga babaeng nakapalibot sa kanya, alam niyang maraming haharapan at kakalabanin si Olivia na mga babae. "Ah, hindi na huhulaan ko, siguro ate ka niya?" sabi naman ng babae kay Olivia. Halos napantig naman ang taenga ni Olivia sa sinabi ng babae kaya kinuha nito ang baso na may malamig na tubig saka binuhos sa babae. "Ayan gumising ka at kilalanin mo kong single yang nillandi mo!" ani Olivia sabay tulak nito para makadaab siya palabas. Agad