"Masakit pa ba?" tanong ni Rey lay Olivia ng nasa loob na sila ng elevator at nasa likod naman nila si Titud na kay sama ng tingin kay Rey.
"Medyo." tipid na sagot ni Olivia.
Gusto ng tanungin ni Titus kung ano ang nangyari sa kanya at anong masakit sa kanya, pero mapapahiya lang siya kaya mas minabuti na lang n'yang manahimik hanggang sa makakababa na sila.
"Lets go." tawag ni Titus sa kanyang mga kaibigan at sumunod naman ang mga ito papunta sa kanilang sasakyan na nag-aabang na sa labas. Halos magkasabay lang silang umalis nauna sila Olivia dahil pinauna ni Titus. Gusto n'yang sundan ang sasakyan mg mga ito hanggang Manila, para alam niyang safe ang mga ito.
--
Dahil kumalma na ang sakit sa paa ni Olivia kaya hindi na sila tumuloy sa hospital at naihatid na rin nila ang mga kaibigan kaya uuwi na rin sila. Gusto na n'yang matulog dahil pagod at antok talaga s'ya dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Pagdating niya ng bahay ay agad siyang umakyat sa kanyang room at naligo para makapagpahinga dahil bukas may pasok. Lunes kaya ayaw niyang umabsent.
--
Hindi mawala sa isip ni Titus ang ganap kanina ang pagkakaalam nit ay walng boyfriend si Olivia. Gusto nyang malaman kung sino ang lalaking kasama n,ya kanina dahil kung driver ito ng dalaga ay parang hindi naman ito nagmumukhang driver. Dahil hindi makatulog si Titus sa kakaiisipp kay Olivia, kaya minabuuti n'yang umunum muna para makatulog.
--
Kinabukasan maagang gumising si Oliviia, dahil lunes kaya ayaw n'yamg ma-late at aam n'yang traffic ngayon kaya mas minabuti nitong maaga siya. Nagpaalam lang ito sa ina na sa opisina na ito kakain ng umagahan dail ,ayae n'yang ma-late kaht pa s'ya ang boss sa kompanya. Napapailing na lang ang kanyang magulang. May-ari rin si Olivia ng kilalang construction supply at iba pa. Magaling din itong designer dahil isa ito sa kanyang pinag-aralan noon sa Paris noong hindi pa s'ya pinapaaral ng ama tungkol sa kanilang negosyo.
--
Dahil gagawin lahat ni Titus mapalapit lang kay Olivia kaya agad na may pumasok sa kanyang isip na plano, at napapitik pa ito sa hangin at agad niyong tinawag si Jees para iutosa ang kanyang plano. Agad namang sinunod ng babae ang utos ni Titus.
--
"Come in." tipd na sagot ni Olibvia ng may narinig siyang mahinag katok mula sa kanyang pinto at pumasok si Lily na may dalang folder.
"Ma'am, may isang client po tayo na tumawag kanina at gusto daw po nila na tayo ang gumawa sa project na ito maging designer." sabi ni Lily sa amo. Agad namang tiningnan ni Olivia ang folder na binigay ng secretary nito.
"Sige pag-aaralan ko salamat." ani Olivia.
"Sige po, Ma'am, tawagin niyo na lang po ako pag may kailangan po kayo." ani lily at umalis na ito.
Tiningnan naman ni Olivia ang mga papers sa nasa kanyang mga kamay pinag-aralan nito at hindi n'ya kilala nag may-ari. Parang sa tingin niya mahirap ang design pero kung maging ok sila sa presyo makikipag-deal siya dito. Tinawagan ni Olivia secretary nito upang makapag-set ng meeting sa sa client. At agad namang sinunod ito ng secretary niya at agad namang tumugon ang maturang client.
--
"Thank you at lagi kang and'yan para tulungan ako." ani Titus sa sa kanyang kaibigan na isa ring businessman.
"Basta ikaw malakas ka sa akin eh." sagot naman ng kaibigan nito.
"Basta pag may maitulong ako sayo magsabi ka lang." ani Titus dito.
"Wait, bakit nga pala hindi ikaw mismo ang makipag-transact sa kanya?" nakangintin tanong ng kaibigan.
Pinaliwanag naman ni Titus kong bakit at ano ang kanyang rason . At nakuha naman agad ng kausap ang ibig n'yang sabihin at napatawa na lang kaibigan nito sa kanyang sinabi.
--
Masaya si Olivia, dahil dumadami ang kanilang client sa magkabilaang negosyo n'ya. Mas lalo s'yang maging busy sa trabaho at 'yon ay masaya niyang ginagawa. Gusto nyang maging proud ang kanyang mga magulang sa kanya. Lalu pa ngayon at nalalapit na naman ang mga investor na dumating sa bansa kaya kailngan n'yang maghanda dahil alam niyang maraming kalaban sa negosyo.
"Hello." sagot ni Olivia sa tawag ng ina.
"Anak, baka nakalimutan mong may party tayong pupuntahan mamaya." paalala ng ina.
"O' my God!" napatuptop nang noo si Olivia dahil talagang nakalimutan n'ya na may birrthday party silang pupuntahan ng kanyang ina alam n'yang maraming tao ang dadalo dahil isang batikan na businessman ang may birthday at cloae friend din ito ng ina.
"Sabi ko na eh' nakalimutan mo na." sabi ng ina nito.
"Sorry, Mom, uuwi po ako ng maaga." sabi sa ina nito.
"Sige anak huwag puro trabaho ang atupagin, tandaan mo gusto pa namin ng daddy mo na makita ang apo namin sayo." sabi ng ina nito kay Olivia.
"Mom." alam ko po 'yan see you later." pag-iiwas ni Olivia sa usapang ganyan kaya nagpaalam na ito sa ina at binaba na nito ang telepono.
Tama nga naman ang ina nito matanda na sila samantalang siya wala pang anak ni boyfriend nga wala kailan kaya siya magkakaroon ng sariling pamilya. Napabuntong hininga na lang siya sa mga iniisip. Time na siguro para pagbigyan na niya ang kanyang sarili at pasukin ang mundo ng pag-ibig.
--
At dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ni Titus kaya siya ang pinapunta ng mga magulang nito para umattend ng party, at pumayag naman ito. Kaya maaga itong uuwi para makapaghanda sa sarili.
--
At dahil wala ng time si Olivia para mag-ayos sa sarili kaya dumaam ito sa mall at pumunta sa sikat na salon sa mall doon na siya nagpaayos. Dahil wala na s'yang time pa para mag-ayos mamaya.
--
Nakailang pili na si Titus ng kanyanh damit na susuutin mula shoes, watch, tie, polo haggang sa suit. Hindi siya basta-basta nagsusuot ng kong anu-ano basta may okasyon.
--
"Anak buto dumating kana." wika ng mama ni Olivia.
"Oh, Mom, bakit hindi kapa nagbibihis? tanong ni Olivia dito.
"Sorry anak ikaw na lang ang pumunta biglang sumakit ang ulo ko." sagot ng ginang.
"Ha' ok ka lang mom?" pag-aalalang tanong nito sa ina at nilapitan niya ito at tiningnan.
"Ok na ako galing kanina dito ang family doktor natin, 'wag lang daw akong magpuyat at magpagod." sabi naman ng ginang. Alam kasi ni Olivia na mahilig ito sa paghahalaman. Kaya pinagsabihan nito ang ina. Bago siya umakyat at nagbihis na dahil alam nyang party ang pupuntahan kaya pinili nito ang naayon na dress na tiyak mas lalong lilitaw ang kanyang kagandahan.
Sa isang sikat na hotel ginanap ang isang engranding salo-salo sa gabing iyon. Halos marami ng tao ng dumating si Titus doon at kilala na agad siya ng mga kilalang bisita dahil tanyag at kilala ang kompanyang pagmaymay-ari mg pamilya nito.
Kabado man si Olivia sa mga oras na iyon dahil unang attend niya ng party na ganoon sa bansa, sa Amerika kasi ay sanay na sanay na siya. "Bahala na." sa isip niya ng makarating na sila sa mismong bulwagan. Pagbaba pa lang ni Olivia ay nagkatingin na sa kanya ang mga tao at pumasok na siya sa loob, halos mangawit na ng kanyang panga sa kangingiti sa mga tao. Agad niyang nakita ang may birthday at binati niya ito.
"Happy birthday, Mr Sith, sabay kinamayan ito ni Olivia.
"Thank you, Ms. Miller, sabay kamay din ito kay Olivia. Nagkwentuhan ang mga ito at pinakilala nito si Olivia sa eldest son nito at nagpapatakbo rin sa kompanya ng mga Sith. Nakita naman ni Titus si Olivia na masayang nakikipag-usap ito sa panganay na anak ni Mr. Sith. Balak n'ya itong lapitan kumukuha lang ito ang pagkakataon.
Halos maraming mga kalalakihan na kilala rin sa bansa ang umaaligid kay Olivia, kwentuhan ay pagpapakilala naman ang iba, baguhan pa lang si Olivia pero magaling na ito sa larangan ng business kaya kailangan n'yang makisama ng maayos. Maraming nagtatanong at nagtataka kong bakit sa edad niya eh wala pa siyang sarili pamilya. Nakikita naman ni Titus na masyado ng malapit ang panganay na anak ng mga Sith, kaya lumapit na siya sa mga ito.
"Hi." bati n'ya sa mga ito sabay tingin kay Olivia, halos nanlaki ang mata ni Olivia sa nakita ang lalaking kaharap nito ay malayong-malayo sa nakasama n'ya sa beach. Ang Titus na kanyang kaharap ngayon ay sobrang pormal sa pananamit at mas lalu pang napahanga si Olivia kagwapuhan nito.
"Oh, Mr. Hill, andito ka rin pala." ani Leo Sith ang panganay na anak ng may kaarawan.
"Ako pa ba ang mawawala sa pagtitipong ito." pabirong sagot ni Titus sabay tapik sa balikat nito. Magkakilala na sila noon sa isang business meeting na dinaluhan nila.
"Hi, Mr. Hill." bati ng isang magandang babae na bigla na lang sumulpot sa kanilang usapan. Halos kunot noo naman si Olivia sa bakitang paglapit nito kay Titus.
"Hello, Miss Yhen, how are you?" nakangiting tanong ni Titus dito.
"Okay lang, long time no see, balita ko hanggang ngayon single ka pa?" ani Yhen.
"Sino may sabi sayo?" nakangiting sagot ni Titus habang nakatingin kay Olivia na parang sa tingin niya ay nagseselos ito.
"Ako pa ba?" sagot naman ni Yhen saby hawak sa braso ni Titus na mas lalong kinagulat ni Olivia at sa inis nito sa babae halos nilagok nito lahat ng alak na kanyang hawak at iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Titus.
"Nagkakamali ka andito ang girlfrend ko." sabay tanggal ng kamay Yhen ng kanyang braso at nakangiti pa ito.
"Ha' andito ang girlfriend mo?" panabayang tanong ng kanilang mga kasama.
"Yes." tipid na sagot ni Titus na nakatingin kay Olivia samantalang halos matunaw na si Olivia sa mga tingin ni Titus sa kanya.
"Pakilala mo naman kami." tudyo ng mga kasama.
Gusto ng umalis ni Olivia sa harapan nila dahil ayaw niyang makita at malaman kung sino man ang girlfriend ni Titus. Baka hindi niya kayanin. Oo inaamin n'ya sa kanyang sarili iba ang tama ng lalaki sa kanya. Akmang aalis na sana siya ng bigla siyang tinawag ni Titus. Agad siya nitong nilapitan ni Titus at hinawakan sa beywang nagulat naman ni Olivia sa ginawa ni Titus mas lalo siyang hindi makagalaw.
"Olivia Miller, she is my girlfriend." pakilala ni Titus kay Olivia sa mga kasama nila. At gulat na gulat naman si Olivia sabay pa sa ginawa ni Titus na paghalik sa kanyang noo sa harapan nila.