"Doc, please sabihin n'yo pong ligtas sila pareho." Pagmamakaawang sabi ni Titus sa doctor. "Buti naitakabo n'yo siya agad dahil kunti na lang mawawala na ang baby sa sinapupunan." Sabi naman ng Doctor. Halos maiyak si Titus sa narinig dahil ligtas na ang kanyang mag-iina. Napayakap naman ang ina ni Olivia sa kanyang asawa dahil dininig ang kanilang panalangin na maligtas ang kanilang anak at ang kanilang magiging apo. "Maraming salamat, Doc." Ani Titus sa Doctor. "Ginawa lang po namin ang aming trabaho, alagaan mong mabuti ang asawa mo dahil masilan ang kanyang pagbubuntis baka bigla na lag mawala ang baby n"yo." Bilis ng Doctor kay Titus. "Salamat uli Doc, makakaasa po kayo na aalagaan ko ang mag-iina ko." Sagot nama ni Titus dito. "Sige, maiwan ko muna kayo dahil may mga pasyente