Hindi alam ni Olivia ang kanyang gagawin hindi rin niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Pinantahan agad siya ni Titus dahil nag-aalala ito sa kanya. "Olivia, are you okay?" tanong ni Titus na nasa labas ng pinto dahil ni-locked ito ni Olivia. "Yeah, ok lang ako bumalik ka na doon susunod ako." utos ni Olivia kay Titus, at sumunod naman ito sa sabi ni Olivia. Tiningnan ni Olivi ang kanyang sarili sa salamin. "Buntis nga ba ako?" tanong nito sa sarili. Agad nitong inayos ang sarili at lumabas na para hindi magtaka ang mga kaibigan nito. "'Sure ka na okay ka lang talaga?" pag-aalalang tanong ni Mia kay Olivia. "Yeah, talagang sa amoy lang ng crab ako naduwal." palusot talaga ni Olivia. Inilayo naman ni Titus sa harapan ni Olivia ang crab para hindi na ulit ito maduduwal at kumain n