Halos hindi makapaniwala si Olivia sa nakita. Ang lalaking halos isumpa n'ya at ayaw na n'yang makita ang lalaking akala n'ya ay isang nagtratrabaho sa gym at isang bouncer sa bar ay ito na kaharap na n'ya.
"You mean ikaw ang ka-meeting ko ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ni Olivia sa kaharap.
"Yes, sa tingin mo may iba pa bang tao dito bukod sa akin?" parang pag-aasar na sagot ni Titus kay Olivia, dahil parang napapansin na n'ya ang pagkairita ng babae.
"Wala akong time sayo ngayon." ani Olivia dito at akma na itong aalis para iwan ang lalaki ngunit bigla itong hinawakan ni Titus sa braso.
"Ops' pagkakaalam ko importante sayo ang meeting na ito." ani Titus na hindi pa rin nito binibitawan ang braso ng babae.
Tinitigan naman ni Olivia ng matalim si Titus na nagsasabing bitawin mo ako, ngunit sa tingin lang n'ya ito. At agad namang binitawan ni Titus ang braso nito. "Importante ang meeting na ito pero nagbago na ang isip ko." ani Olivia at tumalikod na ito dahil parang hindi n'ya kayang harapin ang lalaki. Lalo pa ang mga titig nito sa kanya baka mas lalo lang s'yang mapahiya dito. Kaya minabuti na lang nitong umalis na lang at saka na lang n'ya ito haharapin pag kaya na n'ya.
Napailing na lang si Titus sa inasal ng babae at hinatid na lang n'ya ito ng tanaw hanggang sa makalabas ang babae sa naturang lugar.
"O' bakit ang bilis mo ata?" nagtatakang tanong ni Jake kay Olivia na biglng pumasok sa sasakyan at kita nito ang hindi maipintang mukha ng among dalaga.
"Let's go nawalan na ako ng gana." sagot lang ni Olivia at sinandal ang ulo nito at pinikit ang mga mata habang nasa beyahe sila. Dahil ayaw n'yang pag-usapan ang lalaking ayaw na n'yang makita.
Hindi na lang nagtanong pa si Jake, dahil kilala nito ang amo pag wala ito mode.
Dahil hindi natuloy ang meeting nila ni Olivia, ay nagpasya na lang si Titus na umalis na lang rin sa luar na iyon at papasok na lang sa opisina nito para ituloy ang janyang trabaho.
"Let's go, aya nito kay Jake na nasa parking lot naghihintay sa kanya.
"Bakit ang blilis mo ata?" Tanong ni Jake sa among binata.
"Iwan nawalan daw s'ya sa mood ng makita ang ka-guwapuhan ko." papilosupong sagot nito kay Jake at napangiti itong ng nakakaluko.
Hindi na lang ulit pa nagtanong si Jake kay Titus dahil alam nit=ong may nangyari sa loob kanina kaya hindi natuloy ang meeting nito. Kilala n'ya ang among binata.
--
Nakarating naman sila Olivia sa kompanya nito na hindi pa rin mawala sa isip nito ang lalaki, mas lalu pa atang gumulo ang kanyang mundo. Agad n'yang tinawag si Lily para alamin ang background ni Titus. Gusto n'yang malaman kung sino ang lalaki.
--
Paikot-ikot lang sa upuan si Titus pagkarating nito sa opisina, hindi maalis sa isip nito ang magandang mukha ni Olivia at ang gabing pinagsaluhan nila. Sisiguraduhin n'yang ito pa lang ang simula ng kanilang pagkikita. Gusto n'yang mapalapit pa sa babae. Napangiti lang si Titus habang nilalaro nito ang ballpen sa kanyang daliri. Tinawag nito ang kanyang secretary at may inutos ito.
"Jess, siguraduhin mong makakuha ka ulit ng appointment sa Miller Company." Utos nito sa babae.
"Susubukan kong tumawag ngayon, Sir." Sagot naman nito sa amo at umalis na na may kasamang paglalanding paglakad.
--
Mahinang katok ang narinig ni Olivia mula sa pinto. "Come in." Tipid na sagot lang nito.
"Ma'am, may tawag po akong mula sa Hill Company, humihingi po ulit sila ng appointment sa inyo." Sabi ni Lily kay Olivia.
Nagulat naman si Olivia sa narinig alam nitong may plano ang lalaki kong bakit ito gusto s'yang makausap. "Sabihin mo huwag sa ngayon at busy pa ako sa mas importanting bagay kamu." Utos ni Olivia sa secretary nito.
"Sige po ma'am, sasabihin ko po." Sagot nito at umalis na.
"Sana hindi na magkasalubong landas natin." sa isip ni Olivia. HIndi n'ya alam ang kanyang nararamdaman sa lalake, ngunit parang may kakaibang nararmdaman ang kayang katawan kaysa sa knayang isip. Hinid n'ya alam at hindi n'ya rin ito maipaliwanag, parang may nagsasabiu sa kanyang katawan na excited na makita at maksama ang lalaki. "God, ano ba Olivia, anong iniisip mo?" suway nito sa kanyang isip at kinuha nito ang kanyang cellphone para tawagan nito nag mga kaibigan. Gagawa s'ya ng paraan na mawala sa isip n'ya si Titus.
"Yes, napatawag ka?" panabayang tanong nila kay Olivia.
"Wala borin lang ako, baka gusto n'yong lumabas or mag-outing sa weeked?" tanong ni Olivia sa mga kaibigan.
"Sure! why not sagot mo pagbibirong sab ni Mia.
"No problem." tipid na sagot ni Olivia dahil kilala n'ya ang mga ito kapag s'ya ang nag-aya sa sure na s'ya rin ang sagot lahat.
"Ok, ako na bahala maghanap ng magandang luga para sa outing natin." ani Pia.
"Ok, ;tawagan n'yo na lang ako pag saan tayo pupunta para mapag-pareserve na ako." ani Ni Olivia sa mgaito at sabay paalam na mga kaibigan.
--
Tinwagan naman ni Kim si Titus, para yayain ito na sumama sa kasal ng pinsan nito.
"Sure wala akong lakad ngayong weekend sagot naman ni Titus sa kaibigan.
"Ok, thanks bro, magkikita na lang tayo sa dating tagpuan ani Kim kay Titus.
"Sige, see you." ani Titus at nagpaalam na ito at may gagawin pa s'ya. Muntok na n'yang makalimutan na may dinner pala sila ng mga magulang n'ya mamaya. Kaya dapat matapoos an niya ang lahat na kailangan matapos.
--
Dahil maaga natapos ni Olivia ang kanyang ginagawa kaya naisipan nitong mag-shopping muna na mag-isa. Bibili s'ya ng kanyang gagamitin sa kanilang outing. Pag ganitong usapan gusto lagi ni Olivia bago ang kanyang gamit. Sabagay ngfa naman sa yaman n'ya anuhin n'ya ang kanyang pera wala naman siyang anak or asawa kaya enjoy una n'ya lahat sa ngayon.
"Dadaritso na ba tayo ng uwi?" tanong ni Rey kay Olivia pagkasakay nito sa sasakyan.
"No." sagot ni Olivia at sinabi nito sabinata kung saan sila pupunta at agad namang sumang-ayon ang binata sa sinabi ng amo.
--
Paalis na ,si Titus dahil magkikita sila sa mall kung saan s'ya nagpa-reserve na restaurant para sa kanilang family dinner. Ayaw n'yang maghintay ang kanyang mga magulang kaya dapat mauuna s'yang makrating sa naturang lugar.
--
Dahil walang traffic kaya mabilis na nakarating sina Olivia sa kanilang pupuntahan. Dahil mahirap maghanap ng pag-parkingan kaya nauna na si Olivia pumasok sa naturang gusali at pinasunod na lang n'ya si Rey sa kanyang pupuntahan.
---
Agad namang naratiing ni Titus ang luagr kung saan sila magkikita ng kanyang mga magulang. Tinawagan n'ya ang mga ito at malapit na raw ang mga ito at sampung minuti na lang at mararating na nila ang lugar. Kaya nauna na si Titus sa restaurant kung saan si'ya nga-pareserve at ,doon na lng hintayin ang mga magulang.
--
Busy naman si Oliva sa pamimili ng kanyang mga bibilhin halos nabili na n'ya lahat ang kanyang pakay ngunit may kulang pa at wala sa shop na iyon ang naturang gamit.Kaya lilipat s'ya sa ibang shop para hanapin ang kulang. Habang naglalakad si Olivia ay tinawagan nito si Rey upang puntahan s'ya dahil marami sityang dala ng may nabungo itong ginang dahil hindi n'ya ito napansin.
"Sorry, sorry, hinging paumanhin ni Oliva sa matandang babae, sa tansya niya ay nasa forties. Tiningnan lang ng matanda si Olivia, Sabay alis ito, tingin na kay talim na kala mi naman sa kanya ang lugar na iyon.
"Ma'am, are you ok?" tanong ni Rey nang makita nitoo ang among dalaga.
"Yeah, tipid na sagot ni Olivia, at nakatiingin pa rin ito sa matanda habang papalayo. Kinuha naman ni Rey ang dala-dala ng amo at sunundan na n'ya itong naglakad kung saan pupunta.
--
Nakita naman ni Titus ang kanyang mga magulang na papasok sa naturang kainan kaya agad siyang tumayo at sinalubong n'ya ang mga ito sabay halik sa pingi ng ina, at inaya na ito sa kanilang table.
--
Dahil napagod si Olivia at nagutom na rin kaya niyaya n'yang kumain si Rey, bago sila umuwi. Laging ganoon ang set-up nilang dalawa pag abutin ng matagl sa labas kakain na lang sila bago umuwi. Nakahanap agad ng kainan si Olivia at sa sikat na Korean Restaurant sa naturang gusali.
"Ikaw na naman?" taas kilay na tanong n g matandang babae kay Olivia ng makita siya nitong kauupo palang sa katabing table nito. Kunot noo namang nilingon ni Titus kung sino ang kausap ng ina dahil nakatalikod sya ng upo sa tinutukoy ng ginang.
"You?" sabayang tanong ni Oliva at Titus.