Pigil pigil ni Hiraya ang kanyang bibig pero tumitili siya dahil sa sobrang inis niya sa lalaki. Ano bang gustong palabasin nito, bakit parang gustong-gusto nitong magkausap silang dalawa o masolo siya nito. Pwede naman kasing doon na lang sila kumain, may pa-suggest pa kasi na sa labas eh. Hindi tuloy siya makatanggi dahil sa kagustuhan ng kanyang tatay. Ayaw sana niyang sumama dito dahil iniisip niya na baka kung ano na naman ang gawin nito sa kanya. Isa pa baka bigla bigla na lamang siya nitong sumbatan o pagsabihan dahil sa nagawa nga niya. Tapos sabihin sa kanya na umamin na siya sa kanyang tatay, hinding-hindi niya gagawin yun kahit na anong mangyari bahala ito kung magalit sa kanya o ano pa man. Pero hanggang dun na lang 'yon. Kung ano ang nangyari sa kanila sa hotel ayon an

