Hinihingal na bumangon ako mula sa pagkakadapa sa mat matapos i-pause ang pinanonood na video para abutin ang lalagyan ng tubig para uminom. Pagod na pagod na pagod na ako sa pag-eehersisyo. From doing cardio exercises six to seven times a week from which I opted for sprinting to squats, mountain climbers, push-ups, sit-ups at iba pang mga nakakapanginig-laman na mga exercises.
It's been two months since I decided to shape up and lose these damn fats. So far nagbubunga naman ang mga paghihirap ko. I already lose six kilos. Mula sa tumataginting na 80 kilos, 74 na lang ako. Pretty long stride for me. Achievement ko na kumbaga lalo pa at puspusang dasalan at pag-iwas sa tukso ang ginagawa ko sa araw-araw.
As promised, I cut down my calorie intake. Mula sa mga karne, junk foods, chocolate, and sweets ay nag-upgrade na ako sa gulay at prutas. Instead of pork adobo, salad na lang. Instead of rice, wheat bread na lang.
May mga pagkakataong nakakaramdam ako ng pagkahilo dahil sinasagad ko ang sarili. Sinasadya kong hindi kumain sa buong araw. Tubig-tubig na lang tapos a slice of apple bago matulog. Kung hindi makayanan ay nagsasaging ako. I know what I'm doing is so risky and dangerous but I'm desperate to lose weight and this is the only way I know how.
Kinuha ko ang towel at pinunasan ang buong katawan na puno ng pawis matapos uminom. Humarap ako sa salamin at sinipat ang sarili. May nakikita naman akong changes pero kulang pa. Kulang pa talaga. I need to achieve 50 kilos bilang maximum na ideal weight. Napabuntung-hininga ako. A long way indeed.
I picked up my phone and clicked on my schedule. Napabuga ako ng hangin. I need to wake up early tomorrow. Mga 4 am para sa daily running spree with Barbie. Itinalaga na talaga nito ang sarili bilang fitness coach ko kaya kahit madaling-araw pa lang, asahan mong mangangatok na siya sa pinto para sunduin ako.
Nakaka-touch ang kaniyang sincerity sa pagtulong sa akin kahit na ba iniinggit nila ako palagi kapag may kinakain silang hindi ko pwedeng kainin.
I scanned the other schedule. I have classes pala. Isa pang problema ko ay ang status ko sa course. As expected, I flunked our major subject. Hindi na talaga nahila ang midterm ko dahil bagsak din ako sa finals kaya kailangan kong i-take sa summer class ang Financial Accounting 2 para third year na ako sa pasukan. I should have known it would come to this point. Sobra akong nabaliw sa walanghiyang Jovin na iyon kaya pati pag-aaral ko dati ay naapektuhan. Wala na kasi akong inatupag noon kundi makipag-chat sa walis-tingting na iyon.
Kahit hindi ako pinagalitan ni papa nang malaman niyang tumataginting na singko ang grade ko ay naramdaman ko pa ring disappointed siya sa akin. Hindi niya lang siguro ipinahalata dahil ayaw niyang sumama ang loob ko sa kaniya. Kaunting paalala lang at sermon ang inabot ko. For years ay kami na lang dalawa ang magkasama. My mother left me when I was three months old and eloped together with my father's friend. Simula noon ay si papa na ang nag-alaga sa akin. Wala na akong balita pa kay mama. I hate her. That's why hindi na rin ako nag-abalang makibalita tungkol sa kaniya kahit sa mga kamag-anakan niya.
Ipinilig ko ang ulo para mawala ang imahe ng lalaki sa utak ko. Hindi naman na ako galit sa kaniya. Indifference na lang ang natira. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa mga insultong sinabi niya sa akin dahil hindi rin naman siya humingi ng tawad. It's only up to me now if I will still carry the burden of hating him or move forward. I chose to walk away from that negativity.
Isinumpa ko sa mga tabang nalusaw na mamahalin, palalaguin at uunahin ko muna ang sarili bago ko hahayaan ang sinuman na mapalapit uli sa akin. Natuto na ako. Your mistakes indeed make you wiser.
Nagpasya na akong mag-cool down kasi di na kaya ng balakang at tadyang ko ang mga pinagagawa ko.
Ipeplay ko na sana uli ang video nang may marinig akong katok sa labas. Napilitan akong lumabas ng kwarto para buksan ang pinto.
"Yes?" tanong ko kaagad pagbukas na pagbukas ko sa pintuan.
Nakatayo sa labas ang isang matangkad na payat na estranghero. Kailangan ko pang tumingala para makita ko ang kaniyang mukha. Mga nasa 6'2 ang height. Nagmumukha akong unano sa tangkad kong 5'4. Singkit. Hindi ako sure kung Japanese ba o Chinese pero mukhang sa huli. High cheek bones, makipot at mapulang labi, makapal na kilay, matangos na ilong, at ang higit na nakakuha ng pansin ko ay ang maliit niyang mukha. In short, guwapo. Napakinis ng kutis. Wala akong nakikitang black heads at whiteheads. Wala ring pimples. Nakapusod ng lastiko ang may kahabaan nitong buhok. Mamula-mula na rin ito dahil sa mainit na sikat ng araw. Maluwang ang pagkakangiti ng lalaki kaya mas lalong sumingkit at nawala ang mga mata nito.
"Hi! Sorry sa istorbo. I'm Owen bagong neighbor ninyo. Bagong-lipat lang ako diyan sa kabila," nakangiting pagpapakilala ng lalaki. Pinagmasdan ko lang siya. Nakasuot ito ng jersey shorts at sando na may mga butas.
Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang yata nalaman na may bagong renter sa kabilang room. Napailing ako. Malamang hindi ko talaga malalaman dahil subsob ako sa aking oplan.
Tumingala ako sa kaniya at conscious na pinunasan ang basang mukha. Shemay! Nanlilimahid ako sa harap ng guwapong ito.
Matipid akong ngumiti at hindi ipinahalata ang paghanga na nadama.
"Hi rin. Ahm, anong sa'tin?" Muli kong pinunasan ang pawis na tumulo mula sa mukha pababa sa leeg ko.
"Ah yes. I cooked food for everybody in the compound. A token of gratitude for welcoming me here. Kayo na lang ang hindi ko pa nabibigyan." Iniabot niya sa akin ang Tupperware na walang takip na may lamang beef caldereta. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siya. Nakapokus kasi ang paningin ko sa mukha niya.
Ngumiwi ito at nagkamot ng ulo. "Sorry. Walang takip itong canister. I must have misplaced it. Ngayon pa lang kasi ako nag-aayos ng mga gamit sa kusina. Anyway, this dish is actually my specialty. Masarap iyan." May kalakip na pagmamalaki sa boses. "I hope you like it."
Tiningnan ko ang pagkain. Mukhang masarap nga at napakabango. Umaabot sa akin ang aroma ng pagkain. Hindi pa man ay naglalaway na ako. Iniisip ko na kung anong magandang pamares dito. Coke kaya? Pero mas masarap kung juice. Hindi. Tubig na lang. Remember cut off ka dapat sa sugar.
Sa naisip ay napatakip ako sa ilong upang itaboy ang nakakaakit na amoy ng pagkain. Hindi. Bawal. Bawal maging marupok Pariah!
Nagtatakang pasimpleng inamoy ng binata ang sarili. Pagkatapos ay ngumiti uli sa akin. "Sorry. Mukhang dumikit ata ang amoy ng room freshener ko. I heard may mga taong hindi gusto ang amoy nun." Umatras ito sa akin na nakataas pa rin ang kamay hawak ang lalagyan.
Namula ako sa sinabi niya. Diyatay naisip nitong nababahuan ako sa kaniya eh ako nga itong literal na mabaho sa itsura ko.
Umiling ako. "No, please don't misunderstand me. Wala akong naamoy na di-kanais nais sa'yo. It's just that sobrang bango niyan kaya natutukso akong kumain. I'm trying to lose weight here as you can see kaya bawas muna sa pagkain tapos here you are bringing this food. Nakakatempt tuloy," paliwanag ko.
Tumango naman ito patunay na naintindihan niya ako. He flashed again his killer smile at nawala na naman ang kaniyang mata. "I'm glad." Inamoy nito uli ang sarili. "Sure kang wala kang naamoy galing sa'kin? Ilang araw na din akong di naliligo e." Ngumiti ito sa paraang nagbibiro.
Napangiti na rin ako. "Promise wala talaga." Kinuha ko ang pagkain. "Thank you for this ha. Itatago ko para kay papa mamaya. I'm sure magugustuhan niya to. Fan iyon ng kaldereta e. Salamat uli." Isasara ko na sana ang pintuan matapos itong tanguan at ngitian nang pigilan niya ako.
"Wait, you said you're on diet? I have salad in my fridge. Kagagawa ko lang ngayon. Bibigyan kita."
Magpoprotesta pa sana ako para tanggihan ang kaniyang alok pero mabilis na itong nakaalis. Naiwan ako sa labas ng pintuan na nakaabang.
Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil bumalik din ito kaagad bitbit ang isa na namang lalagyan na walang takip na may lamang mga dahon-dahon at prutas.
"Here." Iniabot niya sa akin na tinanggap ko naman gamit ang isang libreng kamay. "Fresh 'yan. Kakabili ko lang kanina sa palengke. Basic salad lang pero sa dressing ako bumawi. I hope you enjoy it." Ngumiti na naman ito.
"Sobra-sobra na ito pero di ko tatanggihan. Salamat uli ha." Kimi akong ngumiti sa kaniya. Unti-unti nang nagsi-sink in sa akin ang consciousness na nararamdaman. Heto ako sa harap ng lalaking preskong-presko, naliligo sa sariling pawis.
"Nah, don't mention it. Okay lang ba sa'yo na bigyan kita ng pagkain everyday? Don't worry I can cook. I'll make sure it's healthy for you. Gumagawa kasi ako ng new dishes para sa bagong menu ng restaurant. Maybe you could be the judge. Would that be okay with you?" Expectant itong tumingin sa akin.
Tumikhim muna ako para alisin ang bara sa lalamunan. "Sure. Sure. Tatanggi pa ba ako eh libre na iyan tapos healthy pa."
"Thank you. Please be honest with your critiques ha. It would mean a lot for me."
"Oo naman," matipid kong sagot. Gusto ko nang bumalik sa loob ng bahay. Nagsisimula na akong mahiya sa harapan nito.
"Thank you miss?"
"Pariah. It's Pariah," pagpapakilala ko.
"Pariah. Nice name," puri nito kasabay nang simpatikong pagngiti. "Nice to meet you Pariah.
"Same here," ganti ko.
"Sige. Mukhang naiistorbo na kita masyado," paalam nito. "Nice to meet you and salamat uli."
Tumango ako. "Salamat uli dito ha." Itinaas ko ang hawak na mga canisters. "Ihahatid ko na lang pagkatapos."
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Sumandal ako sa likod ng pintuan at pinakawalan ang malalim na hininga na kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa dibdib. Malakas na malakas ang pagtibok nito. Nanlalamig din ang mga kamay ko hanggang ngayon. Naguguluhan ako kung bakit ito nangyayari. Para akong nininerbiyos pero di naman ako natatakot. Pinagpapawisan rin ako ng malamig. Alam kong hindi na exercise ang dahilan dahil kanina pa ako natapos.
Ano'ng nangyayari sa akin?