"Pariah, natapos mo ba ang exam? Na-balance mo ba? Sabi nila 118,1245, 100 daw. Sa akin sumobra ng 211. Sa iyo? Ano total mo?" sunud-sunod na tanong ni Dean sa akin paglabas namin ng examination room.
Katatapos lang ng final exam namin sa Financial Accounting. Naglalakad kami sa hallway ng accountancy building ng university kasabay ang daan-daang mga estudyante ng College of Accounting na kalalabas lang din mula sa kani-kanilang mga designated rooms. Hindi magkamayaw ang lahat sa pagtatanong tungkol sa katatapos lang na final exam gaya ng kung ano ang total, kung na-balance mo ba at kung marami ka bang erasures.
Balewalang nag-angat ako ng tingin kay Dean na busy sa kapipipindot sa hawak na scientific calculator.
"Ha? Umabot pala ng million?" Nagkamot ako ng ulo. "120,123 lang sa akin e."
Bumalik ako sa marahang paglalakad at kinuha ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Binasa ko ang latest received message.
I've arrived. Check-in muna ako sa hotel babe before kita puntahan, ok?
Wala na naman sa sariling ngumiti ako. Ilang daang beses ko na yatang nabasa ang mensahe niya pero kinikilig pa rin ako.
"Struggle talaga iyong ‘di mo ma-balance. ‘Yung gagawa ka ng financial statement tapos siyempre ang confident mo masyado kasi inaral mo at pinagpuyatan. Nag-invest ka ng sangkatutak na Kopiko, Extra Joss at Cobra para magamay mo ang mga theories at ang process mismo tapos sa huli, mali pala ang total. Nakakaiyak at nakaka-depress lang talaga. 'Yung four hours lang ang exam tapos needed ng isang araw para matapos. Hays." Narinig kong himutok ni Dean.
"Lalo na sa preparation sa worksheet at adjusting entries, palagi akong namamali ng adjust. May mga accounts ako na namimisplace ng lagay. Tapos heto pa, iyong tapos ka na sa journal entry so magta-trial balance ka na kaso ang siste hindi balance. Wala kang choice kundi bumalik sa journal, isa-isahin ang bawat account tapos ang dami lang naman nila kasi nga exam. Wala, iyak na lang talaga," patuloy pa rin nito.
"May mga instances din na ang mga mali mo ay unnoticeable. Siyempre confident ka masyado na tama lahat ng entries mo but then ayun na nga, na-realize mong may mali. Ngayon, pano na iyong malinis na paper na requirement ng prof kung kailangan mo namang magbura? Saklap. Welcome to the life of an Accountancy student." Lumaylay ang matatabang balikat nito.
"Okay lang iyan. Pareho naman tayo. Bawi na lang tayo next year. Classmate uli tayo," pampalubag-loob ko kay Dean.
Eh ano naman kung ‘di ko na-balance? Kung mali ang total ko? ‘Di naman nauubos ang taon. May summer class din. Basta ang mahalaga masaya ako ngayon dahil sa date ko mamaya.
Finally! After a year of being in a long-distance relationship, makikita ko na rin ang aking first boyfriend at first love in flesh.
Namula ako sa naisip at naglumikot na naman ang imahinasyon sa magaganap mamaya.
Tiningnan ako ni Dean at sumimangot. "Hanep ka Pariah. Parang wala lang sa iyo ha. Di ka ba pagagalitan ng erpats mo? Sabagay, nag-iisa ka lang na anak. Kayang-kaya ka talagang pag-aralin nun. E ako?"
Nagbuga ito ng hangin. "Hays, tara canteen tayo. Ginutom ako ng exam na iyon," yaya niya sa akin.
"Pass muna ako ngayon. May lakad ako eh. Si Barbie muna yayain mo. Nasa kabilang building lang iyon at tapos na rin exam nun," tukoy ko sa isa naming kaibigan na Criminology student.
"Sa'n punta mo?" tanong niya.
"Susunduin ko lang pinsan ko galing Maynila. Sa bahay kasi siya tutuloy ngayon. May aasikasuhin lang dito," pagsisinungaling ko.
"Okay. Sige. Puntahan ko lang si Barbie," paalam na nito.
"Sige."
Nagmadali na ako sa paglabas sa university. Uuwi pa ako ng bahay para mag-ayos bago ako pumunta sa napag-usapan naming lugar ni Jovin para sa aming unang pagkikita.
Jovin mah labs. Yieee.
Maisip ko pa lang na makikita ko na siya ay namumula at kinikilig na ako. Paano ba naman, si Jovin ang klase ng lalaking gugustuhin ninuman. Guwapo. Typical na matangkad na payat. Maputi, pangahan, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata at may mapupulang labi. Galing sa may-kayang pamilya. Ayon sa mga kwento nito, may-ari ang pamilya nila ng ilang grocery stores. Matalino. Third year engineering student na si Jovin. Matanda lang siya ng isang taon sa akin. Pero ang higit sa lahat ng katangian na nagustuhan ko sa kaniya ay ang ugali nito. May sense of humor. Napapatawa niya ako.
Nakilala ko si Jovin sa role-playing world. Dahil bakasyon noon at sobrang bored ako, naisipan kong sumali sa isang role-playing group. Nag-post ako ng 'need a chat, just pm me' sa grupo. Malay ko bang may papatol eh katuwaan ko lang iyon.
In short, Jovin sent me a message at doon na nagsimula ang lahat. Hiningi niya ang real account ko na ibinigay ko agad. Ibinigay rin naman niya sa akin ang kaniya kahit ‘di ko hiningi. Doon pa lang, plus points na siya para sa akin.
Halos araw-araw kaming magkausap. Call, video call, chat sa messenger at sa w******p, at texts. Akala ko talaga noong una, joke-joke lang. Para kasi sa akin, hindi worth it pag-investan ang mga landian sa online world pero he really proved me wrong.
Months after we met, he courted me. Tinawanan ko lang siya noong una kasi ‘langya naman, sa panahon ngayon, may nagpapaniwala pa ba sa mga manliligaw online? Idagdag mo pang sa online lang din kami nagkakilala.
Pero nagpursige siya. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa mapa-oo niya ako. Ang katuwiran ko naman sa sarili kung bakit ko siya sinagot ay online lang naman to. Di naman niya ako pupuntahan. Pampalipas-oras lang kumbaga at pampawala ng stress.
Sa huli, kinain ko rin ang mga sinabi ko. I fell for him. Wala akong experience sa mga ganito dahil NBSB O No Boyfriend Since Birth ako. Sa mga kuwento lang nila Dean, Xylca, Barbie, at Myca lang ako nagkakaroon ng ideya about sa love-love na iyan.
Wala akong personal experience kaya noong mapagtanto kong in-love na ako kay Jovin ay kinabahan talaga ako. But he assured me that he's serious about me, about us.
Fast forward again, it's our first-year anniversary today. Jovin promised to see me and it's just minutes away before we see each other for real.
Pagdating ng bahay ay kaagad akong naligo. Nakakahiya kung haharap ako sa kaniyang mabaho eh ang bango-bango pa naman nung tingnan. Pagkatapos ay inilabas ko ang bago kong biling damit. Hindi naman ako kikay kaya nagpatulong pa talaga ako kay Myca sa pagpili nito.
Gusto ko kasing ma-impress din si Jovin sa akin. Isang cute dress na hanggang tuhod ang haba at sneakers ang pinili niya para sa akin. Nag-volunteer pa siyang make-upon ako pero tumanggi ako kasi malalaman niya na makikipagkita ako kay Jovin. Myca, Sheki and Dean are so not into Jovin. Hindi daw nila gusto ang karakas ng lalaki. Yung tipong judgemental daw. Siyempre ipinagtanggol ko. Sa kanilang dalawa, sila pa ata ang nagmumukhang mga judgemental. Hindi pa nga nila nakikilala iyong tao eh hinuhusgahan na nila agad.
Kaya para wala nang gulo ay inilihim ko sa kanila ang lakad ko ngayon.
Nang matapos ako sa paghahanda sa sarili ay nag-taxi na ako papunta sa restaurant. May reservation na si Jovin kaya hinintay ko na lang siya sa mesa. Nanlalamig ang mga kamay at nagpapawis ang buong katawan ko sa nerbiyos.
Tumunog ang cellphone ko. Nag-text siya.
"Nasa labas na ako. Can't wait to see you, babe."
Napabungisngis ako at kinilig nang bonggang-bongga.
"I'm here na. Can't wait to see you too," I replied.
Inayos ko muna ang damit at itinutok ang paningin sa entrance ng restaurant. Ayan na. Ayan na talaga siya.
Ilang sandali pa ay namataan ko na si Jovin. Ang guwapo bes! His pictures on his social media did not give justice to his face. Ilang libong paligo ang lamang.
Nakasuot lang ito ng simpleng khaki shorts, shirt at white sneakers pero ang guwapo pa rin. Sa mga kamay ay nandoon ang bouquet of flowers.
Ang haba ng hair mo, Pariah.
Iginala muna ni Jovin ang tingin sa paligid. Hindi na ako nakatiis at itinaas ko ang kamay para mapansin niya ako. Naglakad naman ito palapit sa akin.
Ngiting-ngiti ako habang papalapit na siya. Ibinigay ko ang pinakamatamis na ngiti ko sa kaniya. Ang sabi kasi nila, ang ngiti ko raw ang best asset ko kaya ipapakita ko na ‘no.
Ngunit kung anong ikinaganda ng ngiti ko sa kaniya ay kabaligtaran naman ng mukha nito. He looks… he looks disappointed. Parang pinipigilan lang din nitong mapangiwi. Nang marating nito ang mesang kinaroroonan ko ay basta na lang niya inilapag ang bulaklak sa mesa at umupo.
Nawala ang ngiti ko sa kaniyang inasal. Kinabahan ako at nanliit ang pakiramdam.
"H-hi, babe. It's nice to finally see you," ani ko sa kinakabahang tinig. I fidget and twitch on my seat.
Walang ka-emo emosyon ng sumagot ito. "Hindi mo sinabi sa akin."
"Ha?" nalilito ako.
"Hindi mo sinabi sa akin na mukha kang ganiyan," nang-iinsulto nitong saad. Sinuyod niya ako ng tingin at parang nandidiring ibinalik ang mga mata sa mukha ko na tila ba hindi niya ako kayang tingnan pa nang matagal.
"Mukha akong ganiyan?" naguguluhan ko pa ring tanong.
"Don't play dumb with me. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. I know you're fat but hindi ko alam ma mukha kang lumba-lumba." Nakakunot ang noo nito while looking at me na para bang sinisino ako.
Sa sinabi ni Jovin ay parang bulang naglaho ang pananabik na naramdaman ko kanina. Bumangon ang kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili.
"May problema ka ba sa katawan ko?" tanong ko sa pinipigilang tinig. Malapit na akong sumabog.
"Of course, it matters to me. Nagsinungaling ka sa akin. Nag-aksaya lang pala ako ng pamasahe sa eroplano at bayad sa hotel para sa iyo."
Doon na ako hindi nakapagpigil. Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya. "Hindi ko kailanman itinago sa iyo na mataba ako. Alam mo dapat iyan. You saw my pictures online. Nagvi-video call tayo everyday so don't come at me accusing me of being a liar! At hindi porket gwapo ka at payat ay may lisensiya ka nang bastusin ako!" bulyaw ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung kami na ang center of attention ng mga customer sa resto.
"Hinaan mo nga iyang boses mo. Ganiyan ka na nga tapos palengkera ka pa." Tumayo na ito.
"Uuwi na ako. Break na tayo. Wag mo na rin akong i-try i-contact sa phone at sa social media."
Kung gaano siya kadali nakarating ay ganoon din ito kabilis na nakaalis.
Ilang minuto nang wala si Jovin pero windang pa rin ako sa nangyari. Ano iyon? Ganun-ganun lang? Anong nangyari? Ang petty lang talaga niya. Sinabihan pa akong sinungaling. What a guy! Tama nga sila Myca, judgemental siya.
Hindi ko pinansin ang mga tinging ipinukol sa akin ng staff at ng iba pang kumakain. Sa halip ay tinawag ko ang waiter.
"Yes, ma'am?"
"O-order ako."
"Yes, ma'am. You can order whatever you want ma'am. Naka-charge na po kay Mr. Angeles ang lahat."
Napangiti ako nang lihim. May mahihita din pala ako sa iyo Jovin. Akala mo ha. Ginutom mo lang naman ako sa paghihintay at pang-iinsulto mo sa akin kaya bubutasin ko talaga ang pitaka mo.
Kinuha ko ang menu at pinagtututuro lahat ng mga pagkain.
"Take out iyan ha," habol ko sa waiter.
Pagkatapos ibigay ng waiter ang mga orders ko ay umuwi na rin ako kaagad. Nagpatulong pa ako sa driver ng taxi sa pagbubuhat ng mga pagkain. Binigyan ko na rin ang mama.
Nilagay ko sa mga plato ang mga pagkain, itinaas ang isang paa sa upuan at nilantakan ang anumang pagkaing naaabot ng kamay. Ang sarap. Ang sarap kumain lalo na at libre.
"Iyon! Sarap! Sarap talaga."
Kinuha ko ang isang piraso ng chicken, hinambal ito at maingay na nginuya. "Wooh! Heaven!"
Napatigil lang ako sa pagkain nang aksidenteng masulyapan ang sarili sa salamin sa sala.
Nakalilis ang bestida ko at kitang-kita ang mga hitang mas malaki pa sa hita ni papa. Nagmumukha akong katawa-tawa sa suot. Hindi bagay sa aking katawan. Ang trying hard ko lang sigurong tingnan.
Nangingintab na rin ang buong mukha ko sa pawis. Tanginang mukha iyan o. Ang bilog.
Namumutok na rin ang batok ko sa sobrang laki. Idagdag mo pa ang mga brasong daig pa ang mga construction worker sa laki.
Magulo rin ang buhok ko na dahil sa hangin kanina. Klarong-klaro din ang mga bilbil ko sa tiyan na halos wasakin na ang dress.
Hindi ko masisisi si Jovin kung bakit siya umakto nang ganoon kanina.
"Tangina naman o. Ang pangit ko," ang sabi ko habang nakatitig sa salamin.
Isinubsob ko ang mukha sa palad at hinayaan ang sariling ilabas ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.
Higit sa sakit nang pang-iinsulto na naranasan ko kanina ay ang katotohanang si Jovin ang gumawa noon.
Wala akong pakialam kung sino man diyan ang tawagin akong baboy, obese, lumba-lumba, mataba at kung anu-ano pa dahil wala naman akong pakialam sa opinion nila. Pero si Jovin iyon. Ang kaisa-isang lalaking minahal ko at ang kauna-unahang lalaking sinaktan ako nang ganito.
Kung zero ang confidence ko bago pa ito nangyari, negative 100 na siguro ngayon.