Naghintay ako sa isasagot niya pero imbes na salita ang marinig ko, iba ang kaniyang ginawa. Hinila niya ako sa batok at walang babalang siniil ako ng halik. Parang nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ko. I just sat there with my eyes wide open while he slowly kissed my lips. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinoproseso ko sa isip kung ano ang gagawin. Bumaba ang kamay nito sa pisngi nito at sinapo ito. His tongue rotated on my closed mouth to urge it to open. His lips were so soft and warm against mine and it brings so much memories both happy and sad that my mind is so conflicted on whether to let go from this very electrifying experience or just let myself be indulged in the moment. Sa huli ay mas pinili kong itulak si Owen palayo. Mali ang ginagawa namin at hinahayaan ko ito. Tama