"Sheks, when can you say that a guy is into you?" Bahagya akong sinulyapan ni Sheki mula sa binabasa nitong encyclopedia. "Pakiulit. Di ko masyadong narinig." Mula sa pagkakaupo sa kama ni Sheki ay tuluyan na akong humiga. "Ang sabi ko, paano mo malalaman na gusto ka ng isang lalaki?" Isinara nito ang libro at tuluyan na akong hinarap. Nakataas ang mga paa nito sa lumang swivel chair at nakapangalumbaba sa sandalan ng silya. "Why?" "Anong why? Nagtatanong nga ako. Wag mo namang sagutin ako ng isa pang tanong." Hindi ito kumibo. Napilitan tuloy akong tingnan siya. Nakatingin din ito sa'kin. "Ano? Sige na. Answer me tutal ikaw naman ang halos may mga sagot sa kahit pinaka-trivial na tanong." "Depende." "Anong depende? Be specific." "Depende sa relasyon mo sa lalaki." Bumalikw