"Pariah!" sigaw ng isang lalaki sa tabi ko.
Nahinto ang pagpara ko sa dumadaang jeep at nilingon ang tumawag. Si Owen. Nakababa ang bintana ng kotse nito at nakangiti sa akin. His eyes disappeared again.
"Owen," tipid kong pagbati.
"Hop in. Isasabay na kita. On the way naman ang school mo sa pupuntahan ko," alok nito.
Umiling ako. "Hindi na. Magje-jeep na lang ako," tanggi ko. Talagang pinangatawanan ko ang pag-iwas sa kaniya.
"Come on Pariah. Sumabay ka na sa akin. Mas hassle kung magco-commute ka pa," pilit pa nito.
"Wag na. Nakakahiya rin eh."
Kumunot ang noo nito. "Bakit naman? I thought we're friends already?"
Wala akong maapuhap na sagot kaya hindi ako kumibo.
"Come on Pariah. Tara na."
Wala na akong nagawa kundi sumakay. Mas magtataka ang lalaki kung patuloy pa akong tatanggi. Obvious namang nagmamadali na rin ako.
Pinili kong sa backseat maupo. Mas safe kasi mas malayo. Narinig ko ang pagtawa ni Owen.
"Dito ka na sa tabi ko. Mahaba-haba ring biyahe 'to dahil traffic na naman sa crossing. May bumagsak daw na poste ng ilaw ayon sa balita. Magkuwentuhan muna tayo." He gave me a friendly smile.
Reluctant na lumipat ako sa passenger's seat at umupo. Pasimple kong inamoy ang sarili. Hmp. Medyo may naaamoy na akong maasim. Umisod ako palapit sa pintuan at kunway sumandal. Nakakahiya! Bakit ba kasi ang dali kong mamawis. At bakit sa katanghalian ay naka-jacket ako.
"Wait, let me put on your seatbelt."
Owen moved forward. Inabot nito ang seatbelt at agad ikinabit sa akin. Hinigit ko ang hininga at sinamyo ang bango ng lalaki. Amoy Johnsons cologne. Amoy baby. I heard a click and then he's back on his seat again. Pinaandar na nito ang sasakyan.
Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya. Owen is wearing a pair of black pants and a white polo. Naka-tuck in ang polo sa pants at nakabukas ang dalawang butones. He looks immaculate. The type you see in corporate offices. Kulang na lang ay coat and tie papasa na itong CEO sa isang Chinese movie.
"What?" natatawang tanong ni Owen sa akin.
Uminit ang mukha ko. "Wala. Naninibago lang," tugon ko sabay yakap sa bag na dala.
"Why?" tanong nito animo napapantastikuhan sa sagot ko.
"Siguro sanay lang ako na nakikita kang naka-shorts lang at sando. Ngayon kasi, you look so formal," di mapigilan kong daldal.
He smiled sheepishly. Kinindatan niya ako. "Bagay ba? Mas gumuwapo ba ako?" pilyo nitong tanong.
I blushed again. "Guwapo ka naman talaga. Given na iyon," pag-amin ko.
Humalakhak ito. "I like you. You're too honest."
Napangiti na rin ako. "Sabi nga nila. Kaya minsan hindi nila hinihingi ang opinyon ko."
"I think it's admirable. Bihira na lang sa ngayon iyong mga taong honest talaga. Those people who unapologetically speak out their minds," he said.
"Yeah," sang-ayon ko. "Are you working Owen?" curious kong tanong.
"Oo naman. Bakit mo naisip na hindi?" He looks amused.
"Palagi ka lang kasing nagkukulong sa apartment mo. Hindi ka rin mukhang empleyado tapos pagala-gala ka lang kung saan-saan. According to sa mga naririnig ko ha," defensive kong dagdag. "I thought freelancer ka. Alam mo bang malapit nang mag-isip ang mga kapitbahay natin na dealer ka ng droga? For the past months kasi hindi ka daw naglalalabas pero araw-araw may mga mamahaling package na dumadating. Again, ayon to sa kanila ha. Wag mong sabihin na ako ang nagsabi ha," pakiusap ko.
Matagal ko nang naririnig ang bulung-bulungan sa loob ng compound. Ang yaman raw ng appearance ni Owen para manirahan lang sa compound. Sa gara raw ng kotse at iba pang gamit ng binata, imposibleng hindi nito afford ang condo o bahay sa mamahaling subdivision unless may pinagtataguan ang binata o kaya ay gusto mag-lie low. Ayon pa sa kanila, sa ganda raw ng girlfriend ng binata, malabong papatol sa isang mahirap. Marami pang haka-haka ang nabuo nila pero iyon ang pinakapinaniniwalaan.
Malakas na tumawa si Owen. "Hindi ko alam na drug dealer na pala ako sa mata nila. Wait, wag mong sabihing naniniwala ka sa mga iyon?"
"Tsismosa lang ako, hindi judgemental."
"Good." He laughed again. "You're right. I'm a freelancer. A chef freelancer to be exact. Right now, ang project ko ay gumawa ng bagong set of menu sa isang restaurant ng kaibigan ko. That's why I'm asking for your feedback," paliwanag nito.
Pinagmasdan ko siya. He doesn't seem to get offended by all the hearsays.
"You're a chef? Ilang taon ka na ba?" I asked.
"I'm 25. Ikaw?"
"I'm 20," sagot ko. "You're really a chef?" ani ko di makapaniwala.
He chuckled and throw me a glance. "Yes. I took up Culinary Arts in college and did my internship abroad. Pagbalik ko dito nag-decide akong kumalap pa ng experience from different restaurants before I will put up mine."
"Woah," tanging sagot ko.
May kinuha ito sa dashboard at binigay sa'kin. "Here's my calling card in case you're still in doubt."
Binasa ko ang nakasulat. Owen Yap. May contact number at email address din na nakalagay sa ibaba. I mumbled his name in my mind. His surname rings a bell.
"I believed you. Sa panahon ngayon, natokhang ka na sana kung drug dealer ka talaga. Owen Yap. Sabi ko na nga ba Chinese ka. Medyo nagtatalo pa ang isip ko nung una kung Korean, Japanese o Chinese ka ba."
"Yes, I'm Chinese," kumpirma nito.
"Half o pure bred?"
Tumawa na naman ito. Aba, kanina pa to ah. "Ginawa mo pa akong aso. Pure bred to. Original," sakay nito.
"For a pure Chinese, ang galing mong mag-filipino a," puna ko.
"Kasi dito ako sa Pilipinas ipinanganak at lumaki. My family came originally from mainland China but migrated here on 1950," kuwento nito.
"Hulaan ko. Negosyante mga magulang mo."
"Yup."
"Pero di ba kadalasan sa mga anak na Chinese, sila iyong nagpapatuloy ng mga nasimulan ng magulang nila? Naligaw ka ata?"
"Yes but I decided long ago to chase for my dreams. Clearly, running a business is not for me at least a construction business. Ang gusto ko ay magluto ng mga pagkain hindi ng mga bakal at semento," seryoso nitong saad.
"Brave for you," mahina kong sabi.
Ako kasi, hindi alam kung ano ba talaga ang gustong gawin sa buhay, gusto kong idagdag.
"So tama talaga ang first impression ko sa'yo. You're rich."
"No, I'm not. My family is," he stressed. May diin sa pagkakabigkas nito ng salitang family.
I can sense something. Parang there's a feud going on between him and his family.
Patlang.
"Paano ka pala napadpad sa compound namin?" pagbubukas ko uli ng usapan to try to lessen the thick air.
"I was just looking for a nice neighborhood when I chanced upon Tatay Paulo. He offered me the vacant apartment when he learned that I was looking for one and then the rest is history."
"Ah," I nodded my head.
"Ikaw kanina ka pa tanong ng tanong ng tanong sa akin samantalang kakaunti pa lang ang alam ko sa'yo."
Iwinasiwas ko ang kamay sa ere. "Go. Magtanong ka." Tumingin ako sa labas. "Tama ka. Traffic nga dito."
"Anong year ka na?" tanong nito.
"Third year na ako this school year. Naipasa ko sa awa ng Diyos ang summer class kaya regular student ako. Akala ko talaga babagsak ako for the second time. Ang sabi ko sa sarili, magshi-shift na ako pag bumagsak pa ako. Ayun, nakapasa din kaya ipagpapatuloy ko na 'to. Enrollment ko nga ngayon," pagkukuwento ko.
Sinulyapan ko siya sandali. Mataman itong nakikinig habang nagmamaneho.
"Good. Kapag gusto mo makukuha mo. Wag mo lang sukuan agad. Everything takes time including reaching for your dreams," sabi nito pagkalipas ng ilang sandali.
"Tama. Alam kong marami pang dadating na problema pero kakayanin ko. Si papa nga hindi nagrereklamo sa pagpapaaral sa'kin tapos ako na nag-aaral susuko agad. No way. Siguro kapag bumagsak na naman ako this sem, doon na ako mag-shishift. Maybe the fate is telling me that this is not for me." Habang sinasabi ko iyon ay nakatingin ako sa labas. Ayokong makita ni Owen na misty-eyed ako.
"Hindi. Kaya iyan. Don't think about failing. You will only attract negative energy. Go back to your reason why you chose to be there. Why did you start? What pushes you? Don't worry. I have friends na mga CPA. I'll ask for their books para makapag-review ka agad para sa board exam."
Nagulat ako sa proposition niya. "Nakakahiya. Bago pa lang tayong magkakilala binibigyan mo na ako ng pabor. Tsaka board exam agad? Di nga ako sure kung makakagraduate ako nang hindi lumilipat ng ibang kurso."
"I personally believe friendship is not about how long you've known a person. Nasa ugali iyon ng tao. At kung pabor lang ang pag-uusapan, may utang pa nga ako sa'yo. Remember our truce?" he smiled at me.
"May kapalit iyon na pagkain kaya sobrang bayad ka na. Ako nga ang mas nakikinabang doon," nahihiya kong tugon.
"I still insist. Di naman din nila ginagamit iyon. Ngayon pa lang dapat kini-claim mo na na magiging CPA ka balang-araw. Visualize it. Think about it everyday."
Nag-aatubili pa rin ako sa pagtanggap sa offer niya pero on the other hand, natutukso rin akong tanggapin. Mukhang sincere naman siya.
"Come on Pariah. Libro lang iyan. I can give it to anyone. Don't be shy," pangungumbinsi na naman nito.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. "Salamat Owen. Malaki rin ang matitipid ko sa libro sa offer mo. I'll take it."
Ginantihan nito ang ngiti ko. "Good."
Kalahating oras pa kaming nagdaldalan. Alam ko na yata halos lahat ng tungkol sa kaniya. From his favorite food, color, mga kalokohan nung kabataan, at iba pang mga maliliit na bagay.
Sa buong durasyon ng byahe, si Owen ang nagdadala ng usapan. Daldal lang ito ng daldal. Tinatanong niya naman ako pero palaging tipid ang mga sagot ko. Nahalata siguro niya kaya ito na lang ang palaging nagsasalita.
Pahapyaw na nasabi niya rin sa akin ang tungkol sa mga kaibigan niya. I found out that he and Jacques are childhood friends. Ibig sabihin hindi imposibleng kilala nito si Myca.
I fought the urge to ask him questions.
Ang ipinagtataka ko, never niyang nabanggit ang tungkol sa nobya niya. Doon pa naman ako super interested.
"Grabe ang daldal mo pala Owen no. Matutuyuan ng laway ang kakausap sa'yo," nangingiti kong puna habang hinuhubad ang seatbelt. Nakatigil na ang sasakyan nito sa labas ng university.
Ngumisi lang ang lalaki. "Ganun talaga siguro kapag panatag ang loob mo sa isang tao. Thank you Pariah. The ride is fun thanks to you. Masarap kang kausap."
Namula ako. Shems. Kinilig ang mga fats ko. "Sus, wala iyon, inner talent. Pano, mauuna na ako. For sure mahaba na ang linya. Salamat sa libreng sakay." Binuksan ko ang pinto.
"Wait," pigil ni Owen sa pagbaba ko. Hinawakan niya ang aking kamay.
Napapitlag ako sa gulat. A bolt of electricity runs through my veins. Ang lambot ng kamay niya. Kumabog ang dibdib ko at napalunok ako. Nagtaas ako ng tingin kay Owen.
May kinuha ito sa likod ng sasakyan at inabot sa'kin. A canister. A familiar one. Kulay blue. It's the same canister he used to give me.
"Sa'yo na ang baon ko. You make me smile today so you deserve a reward." Kinindatan niya ako.
"Parang kinder lang. Akina na. Timing rin sa lunchtime." Inilahad ko ang palad.
"Sandali." Naglabas ito ng sticky note at pen. Di ko napigilang tumawa.
"Wala kang originality. Style ko yan eh."
He chuckled. "Pahiram ngayon."
He started writing something on the note. He then pasted the paper on top of the canister after.
"Here, appetizer," nakangiti nitong abot sa canister.
Grabe na ang kilig na nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Kinagat ko ang dila upang pigilan ang sariling mapatili.
Kinuha ko na ang lalagyan at tuluyan nang bumaba.
"Salamat dito. Ingat ka." Kumaway ako sa kaniya na sinagot din nito ng kaway bago isinara ang pinto.
Pagtalikod ko ay doon ko na pinakawalan ang impit na tili. Wala akong pakialam kung ano man ang iisipin ng ibang makakakita sa'kin.
Shemays! I just had a moment with my crush! Kinaibigan na ako, binigyan pa ng tanghalian. Saan ka pa? Ang suwerte ko!
Natutop ko ang bibig nang gusto na namang kumawala ang isa pang tili. Mahirap na.
Kipkip ang baunan sa dibdib, pakanta-kanta pa akong naglakad papasok sa university.