Chapter 9 Amara "Salamat po sa uulitin." Pagpapaalam ni Sav kay Lolo Tacio. Bumaling sa akin si lolo. Ngumiti ako. Hawak hawak ang aking shoulder bag. "Salamat lolo. Uhh, b-bibisita po kami ulit." Nakita kong tumingin si Sav sa akin.Umiwas ako ng tingin. "Kinalulugod ko hija at hijo, Pasensya na at maliit ang aming bahay-".. Umiling ako. "Okay lang po iyon lo. Sige po." Putol ko agad. Nauna na akong tumalikod ng nakita kong lumapit si Sav kay Lolo at may sinabi. May mga binili kami bago umalis. Mga pangangailangan ni lolo at ng kanyang anak at apo. Mula kagabi hindi ko alam ang sasabihin ko kay Sav. Mugto ang aking mata