ALLY'S P.O.V. Ilang beses kong pinakikinggan ang ni-record ko kaninang pag-uusap namin ni Maddison,. "Pwede na kaya itong maging ebidensya laban kay Maddison?" Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad kong pinindot ang cancel ng record ng cellphone ko,tapos mabilis ko iyong itinago sa bag ko, nakita kong papasok si Frits. Lumapit siya sa'kin. At tumabi sa'kin. "Anong pinagkakabalahan ng wife ko?hmm." "Wala naman,"tipid kong ngiti. Tumingin siya sa'kin, tapos nangunot ang mukha niya. "Nagsisinungaling ka." Masyado ba akong obvious para hindi maitago sa kanya ang nalaman ko. Darn! Bakit gano'n? "Wala naman akong tinatago sa'yo ah?" Sabi ko sa kanya. "See? Ikaw na rin ang nagsabi na wala? But you lied, " "Bakit naman?" "Dahil wala naman akong sinabi na may tinatago ka. Pero nga