ALLY'S P.O.V. Nagising ako ng wala sa tabi ko si Frits, agad akong bumagon upang hanapin siya. Ngunit ilang beses ko ng pinagtanong sa mga kasama namin dito sa hotel, hindi nila alam kung nasaan si Frits, ilang beses ko na siyang tinawagan ngunit walang Frits na sumasagot. "Nasaan na kaya si boyfriend?" Pabulong kong sabi. Nang makabalik ako sa kwartong tinuluyan namin. Muli kong sinubukan na tawagan ang cellphone niya. Ngunit ang narinig ko ay ang ringtone ng cellphone niya sa loob ng kwarto. Hinanap ko iyon, At natagpuan ko iyon sa ilalim ng unan na hinihigaan namin. "Bakit niya kinalimutan ito? Nasaan na kaya siya?" Mayamaya biglang may kumakatok sa pintuan ng kwarto namin. Agad ko iyon binuksan, tumampad sa'kin si Dianne. Naka-maikling short lang siya. "Hi, Ally! Tara labas na