PATRICK'S P.O.V. "Saan ang punta mo Patrick?" Tanong ni Frits. "Maghahanap ng Girlfriend." Pagkatapos mo kaming inggiting apat sa gala niyo ni Ally sa Enchanted Kingdom, magtatanong kung saan ako pupunta, ugh! Hindi ba alam ng Frits na 'yan na naiingit kami, magkaroon ka ba naman ng Allyson Ramirez na girlfriend ewan ko lang kung hindi ka maging masaya. Sumakay ako ng kotse ko. "Pupunta ka ba sa Sta clara Academy, tanong ni Troy. "Oo, manghihila ako do'n ng Girlfriend." "Goodluck sa'yo, sana after one year mo diyang pagpunta mahila mo nga. Ha-ha-ha!" "Psh!" Pinaandar ko na lang ang sasakyan ko, patungo sa Sta clara Academy, School iyon for the girls only, halos pabalik-balik na ako do'n, bumili muna ako ng red rose sa isang malapit na flowers shop, bago ako tuluyang pumunta roon,