DREK ANDREW'S P.O.V. "Long time no see Drek,"ani ng ka-banda kong si Tutti, may gig kasi kami mamayang gabi, kung kaya't na-isipan kong sumulpot ngayon. Inakbayan ko si Tutti. "Medyo naging busy sa School." "Wow! bago iyon ah, baka busy ka sa chicks." biro niya. Tumawa ako. "Hindi noh? Alam mo naman kung sino ang gusto ko di ba?" Ngumiti si Tutti. "Si Julieann, ang Female Vocalist ng bandang Shadowsoul." Tumango ako at bumuntong hininga. "Nasaan ba ngayon si Julieann? miss ko na siya?" "Katulad mo hindi na rin iyon nalalagi rito, baka busy sa School. Bakit hindi ba kayo nagkikita parehas kayo ng School?" Anito. "Hindi nga eh, inaabangan ko nga siya palagi sa School, hindi siya pumapasok." "Dalawin mo sa bahay nila malakas ka naman sa parents niya." "Sige, Tutti, ikaw na muna baha