FRITS'S P.O.V. "Kumusta ka na anak?" Bungad sa'kin ni Mommy. Nakatulog pala ako. Marahil nilagyan ng pampatulog ang tinurok sa'kin, may bandage ang ulo ko at ang kanang braso ko, marahil siguro sa paghampas ng dospordos sa'kin. "Ally..." Nagmadali akong bumangon. Gustong kong makita si Ally, kaya kahit masakit pa ang paa at braso ko. Mabilis akong tumayo. Tinanggal ko ang mga nakakabit sa kamay ko. "Frits, wag kang umalis!" Nilingon ko si Mommy. "Mom, Walang-wala ito sa sa'kit na nararamdaman ni Ally ngayon Mom," bago pa tumulo ang luha ko. Agad akong tumalikod kay Mom, at lumabas na ako ng kwarto. Pa-ika-ika ang paglalakad ko, buti na lang malapit lang ang Operating Room. Nakita ko roon ang mga kaibigan ko, sila Tita Carmin. Naroon na rin nag-aantay sila sa paglabas ng Doctor. "K