ALLY'S P.O.V Gising na ang diwa ko. Ngunit pakiramdam ko madilim pa rin ang buong paligid. Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit wala akong narinig na ingay. Napakatahimik, nakaramdam ako ng takot. "Nasaan ako?" Dahan-dahan akong kumilos at iginalaw ang mga kamay ko. Nang mapagtanto kong nagagalaw ko ang mga kamay ko. Mabilis kong tinanggal ang nakatakip sa mga mata ko. "SURPRISE!! HAPPY BIRTHDAY ALLY!" sabay-sabay bati ng mga nasa paligid ko. Inikot ko ang tingin ko sa mga taong nasa paligid ko, nakangiti sila Dianne, Tita Sheena, ang Mommy ni Zyrus at Luke pati si Mommy Faith, at ang mga kasama ko sa Puerto naroon at masayang nakatingin sa'kin, halos lahat sila ay nakasuot ng kulay pink na damit. "A-Anong nangyayari? B-Bakit ako nandidito?" Takang tanong ko. Lumapit si Tita Sheena