ZYRUS'S P.O.V. "Mom, sino ang susunduin natin dito sa airport?" Tanong ko kay Mommy. "Zyrus, kanina ka pa tanong nang tanong, Antayin mo na lang pwede ba." "Ang sungit mo naman Mom, nagtatanong lang eh, mahigit half hour na tayong naghihintay dito eh, Tiniklop ni Mommy ang librong hawak. "Wag ka ng mainip okay," "Titaaa!" Narinig kong tili ng isang babae. Agad na tumayo si Mommy at sinalubong ang babaing tumitili. Napasimangot ako. "Kumusta Husband?" Kumunot ang noo ko. Nagkuyom ang kamao ko sa inis. "Don't call me Husband, Jamie Trinidad, we're not a couple." Ngumiti si Jamie. "Eh, kung gusto kitang tawagin Husband, di ba? matagal ko nang tawag sa'yo ang Husband simula noong nasa America ka pa, bakit Husband basted ka ba kay Allyson kaya badtrip ka huh?" Ngumisi pa siya. "Damn