PARANG walang nagbago sa buhay ni Melody matapos niyang ikasal kay Riegen. Bumalik na siya sa trabaho bilang pulis. Pero kahit mag-asawa na sila ni Riegen, ay sa bahay pa rin nila sa Talisay siya umuuwi kapag may duty siya. Kahit anong mangyari ay ayaw niyang umuwi sa mamba house. Sa tuwing weekend lang din siya umuuwi sa Mactan. Plano nilang lumipat sa Mactan kapag approve na ang request niya na mapalipat doon. Naging abala naman si Riegen sa misyon nito at sa mga project nitong construction ng bahay. May nagpapagawa rin kasi ritong hotel at ilang pasilidad ng resort. Hindi ito nawawalan ng trabaho. May mga tauhan naman itong gumagawa sa mga construction site kaya okay lang kahit padalaw-dalaw lang ito. Una balewala lang sa kanya ang madalas na hindi nila pagkikita ng asawa, dahil ami