Dia's POV
Papunta na kami ngayon sa SBS Radio at yung cellphone namin di na natahimik dahil sa kakaring nito. May mga naggogood luck sa amin pero karamihan press ang natawag sa amin. Magpapalit na nga kami ng number mamaya eh.
Okay lang naman sa amin na malaman ng mga schoolmate namin ang number namin kaya lang ang malaman ng press? Nah never mind.
"Baka magkaroon na kayo ng interview at kung anu ano pang guesting after nito okay lang ba sa inyo?" Tanong sa amjn ni Risa at ngumiti naman kami.
"Ano ka ba Risa its okay, it will become our advantage kung maguguest tayo or maiinterview" nakangiti namang sabi ni Marian.
"I agree. Dont think about it" tapos kumindat si Rish pagkatapos nyang sabihin yun.
Tumunog ulit ang phone ko at saka ko nakita ang name ni mommy sa screen.
"Hello my?"
[Baby]
"Bakit po?"
[Wala lang gusto ko lang igood luck ka kanina pa kita tinatawagan pero di kita macontact] nag pout to pabigurado ako.
"Pinatay ko po kasi phone ko kanina mommy ang dami kasing press na natawag"
[Masanay na kayo baby but anyway bibigyan ko kayo ng sim mamaya na kagaya ng amin na para di nila kayo macontact.]
"Thanks mom"
"For you baby."
Then I hung it up na. Pagdating namin sa harap ng SBS Radio ay agad naman kamjng bumaba. Maraming press ang nandito at halos lahat ay kinukuhanan kami ng picture and because we dont want to be hated by the others again we smile although totoo ang smile na nilabas namin.
Hindi naman kami marunong magfake smile eh kapag hindi kami galit or nagtatampo or nasasaktan. Nawala naman sa amin ang atensyon ng media ng dumating na ang sasakyan ng seventh wings nag bow kami at saka pumasok sa loob.
Ayaw naman kasi naming malaman nila na close namin ang Seventh Wings, ayaw naming masabihan ng malandi dahil they dont have proofs kaya stay behave kami ngayon.
Pagdating sa loob ng studio na mismong pagkakantahan namin ay halos malaglag ang mga panga namin, dito sa studio na to naka on air lagi ang top channel ng SBS Radio.
Agad naman kaming napatingin sa kakapasok lang na tao napangiti tuloy kami, medyo nawala ang kaba ko dahil sa mga mukha nila.
"Bakit nyo kami iniwan doon?" Napairap naman ako sa sinabi ni Oliver.
"Hello its obvious Olive we dont want to get caught I mean you know no one should know about us being related to each other" sarkastiko kong sabi.
"Pero dahil doon sa amin lahat napunta atensyon ng media!"
"Ay naku Troy tigil tigilan mo kami sa kakapout mo baka di ka makakanta mamaya." Inis namang sabi ni Ash.
"And hello were just new here alangang kami ang pagkaguluhan right?"
"Naku Rish baka mamaya mas maging sikat pa kayo samin"
"Hay naku kayo ang tataas ng pangarap nyo samin. Alam nyong hate namin ang expectation right? Stop it right now kung ayaw nyong magkagulo tayo ngayon" naiiling namang sabi ni Marian.
"But its good na kayo ang nakasabay namin" napatingin kaming lahat kay Zander.
"Oo nga ayaw namin na ibang school makasabay namin dahil iba sila sa inyo" dagdag pa ni Axel.
"Paanong iba?" Tanong naman ni Risa.
"Sabihin na lang natin na masyado silang, you know clingy?" Sagot naman ni Jaxon.
Natawa naman kami sa sinabi nila, mukhang ngayon pa lang kailangan na ata ni Manager G na ayusin ang sched ng mga to.
"Excuse me?!" Napatingin naman kami doon sa babaeng kakapasok lang.
"DJ Asterisk" sabi ni Olive at niyakap nya ito.
Sa hindi ko malamang dahilan eh nagseselos ako. Hindi ko nga ba talaga alam? Oo na oo na mahal ko sya, late ko na rin naman nalaman na hindi ko sya crush kasi mahal ko sya. Asar lang dahil sa mas maganda sa akin ang DJ na to. Mas may dibdib din lol sige ako na may di kalakihang dibdib.
Nakita ko na lang na napailing sila Rish dahil niyakap si DJ Asterisk ng Seventh Wings. Halata din naman sa kanila na naiinis sila gaya ko.
"Ah guys upo muna kayo" sabi ni Risa at tumingin kami sa kanya, thank you Risa you save us "May sasabihin ako" nag nod na lang kami at di na pinansin ang kaingayan ng mga yun.
Nakita lang nila yung DJ na yun ganyan na sila nakalimutan na nila na may kasama sila hello mas kilala nila kami, kilala lang pero may hindi pa rin sila alam sa amin. Napairap tuloy ako ng di oras kaya napabuntong hininga si Risa.
"Kaya nyo pa ba?" Tanong nya na may halong pag aalala, natawa naman kami.
"Kaya pa" sabi ni Rish at kumindat.
"Malayo to sa bituka kaya wag kang mag alala Risa" dagdag pa ni Ash.
"Malapit nga lang sa puso" sabat pa ni Marian.
Magsasalita na sana ako kaya lang may sumabat sa usapan namin.
"May sakit ba kayo?" Its DJ Asterisk.
"Ah wala po dont worry po" sagot ko at nag nod naman sya.
"Im DJ Asterisk." Alam namin di kami shunga. Oh em anong nangyayari sakin? "And you are?"
Tunayo kami at saka nag bow.
"Melody Day" sabay naming sabing apat.
"Its nice to meet you Melody day" sabi nya at ngumiti kami.
"Its nice to meet you too DJ Asterisk." Sabi ko at nag nod sya.
"Be ready mag uumpisa tayo in Five minutes" tapos umalis na sya.
Naupo naman kami at bumuntong hininga ulit. Pagsabi nya na mag i-start na grabe na tong heart ko. Is it normal na sobrang kaba na nararamdaman ko? Should I need to go in the hospital?
"Kelan nyo pa napangalanan ang grupo nyo?" Tanong ni Axel.
"Ah kahapon? Kahapon nyo lang naisipan yan di ba?" Sagot naman ni Risa at nag nod kami.
"Bakit hindi nyo kami agad sinabihan?"
"For what Olive? It is really okay na sabihin namin everything sa inyo? Come on" sabi ko at napairap na lang.
Halata sa mukha ang gulat nila dahil sa sinabi ko.
"Bakit kayo nagkakaganyan? Bakit parang ang sama ng mood nyo?"
"We dont know either Pao, maybe because were hurt?" Nakataas namang kilay na sani ni Rish.
"Hurt? who hurt you?" Naiinis na tanong naman ni Troy.
"Dont bother its nothing" pag puputol sa usapan ni Ash.
"Ahm boys its better siguro na wag na muna sila kausapin" suggestion ni Risa.
"Risa is right baka mawala kayo sa focus. I know kinakabahan lang sila" sabi naman ni Manager G.
Kinakabahan na nasasaktan.
~~~~~~~~~
Risa's POV
I can feel the awkwardness and tension ngayon dito habang hinihintay naming mag umpisa tatlong minuto na lang at mauunang kumanta ang Seventh Wings.
Walang nagsasalita sa amin siguro dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko at ng Melody Day. Sa totoo lang may balak naman talagang surpresahin ng mga to ang Seventh Wings dahil nakaisip na sila ng name ng grupo pero dahil sa yun na nga dahil sa nangyaring kalandian kanina nagbago ang ihip ng hangin ng mga kaibigan ko.
Selos. Oo halatang nagselos sila at dahil alam ko at ni manager G ang nararamdaman ng mga to eh hinayaan na lang nya kami na manahimik. Hindi nya na rin pinayagang mang asar o mag asaran ang Seventh Wings, supportive ba? Well ate sya namin eh.
Hindi ko alam kung bakit napaka manhid ng mga babaeng to at di ko rin alam kung bakit napakatorpe ng mga lalaking to. Buti nga sila mutual sa nararamdaman eh ako? Hello hanggang tingin lang kay Axel.
"Seventh Wings" tawag ni DJ Asterisk at pumasok na naman sila Axel sa loob.
"Nakakainis talaga" nakabusangot na sabi ni Ash "Hindi ko akalain na may ganun silang kalandian" dagdag pa nya.
"Haha kayo talaga may hindi pa kayo alam" napatingin kami kay Manager G. "Si Asterisk close lang sya sa Seventh Wings pero ang totoo nyan eh may gusto si Jaxon kay Asterisk at ganun din naman sya. They secretly date each other at dahil sa sikat si Jaxon bawal nyang ihayag yun baka magkaroon ng hater si Asterisk although isa sa top model si Asterisk"
Nganga. Yan sila Dia. Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi ni manager G at dahil na rin sa reaksyon nila Dia napapout naman sjla at mukhang okay na ang mood nila.
"Pero niyakap pa rin nila" -Rish.
Ayaw patalo mg babaeng to.
"Yun ay dahil dito sa media world si Asterisk ang best friend nila, sya ang naggagabay sa kanila noon at ngayon." Sagot naman ni manager G.
Wala naman silang magawa kundi bumuntong hininga napatingin sila sa Seventh Wings at ganun din naman sila Axel at saka kami nag thumbs up at ngumiti naman sila ng pagkalawak lawak.
"Good morning again this is DJ Asterisk we are now with Seventh Wings they will sing their new compose song for us" tapos may tumugtog na palakpakan at nag umpisa na.
"Wait" sabi ni Ash.
"I know this song" dagdag naman ni Dia.
"I also remember this" sabat pa ni Rish.
"Kaya pala kompyansa ang mga tukmol" -Marian.
Hindi ko man naintindihan pero nakangisi na ang dalawang grupo sa isat isa na akala mo eh alam na nila ang kanta ng bawat isa.
"Butterfly" sabay nilang sabi pero pabulong lang sapat para marinig namin.
"Alam nyo?" Tanong ni managet G.
Nakita kong may tumulo sa mga pisnge nila. Bakit sila umiiyak?
"Thay was the first song they compose that dedicated to us" napatingin naman si manager G sa kanya.
"When we heard na magiging idol na sila, na matutupad na nila pangarap nila. Were happy yet scared." Humihikbing sabi ni Rish.
"Were scared thay they will forget about us, were scared na baka mabusy sila at mag enjoy masyado at di na kami maalala. Natatakot din ako that time na di ko makikita o makakausap kakambal ko sa bahay"
"That time noong nagpeprepare na sila after nilang ibalita samin. Kahit anong gusto naming tumulong hindi namin magawa, natatakot kami na baka makalimutan nila kami. Hindi kami umattend sa kahit anong meeting hindi rin kami nagpapakita sa kanila." -Marian.
"Naramdaman nila na we are avoiding them so they talk to us. We said what our hearts said. We said that we are afraid that, that world will take them away from us" -Dia.
"That's why they compose that song. Together with our song Anxious." -Rish.
"Yun nga lang ginawa namin ang Anxious na hindi nila alam, nauna namin tong gawin. Kahit na iba ang pagkakasulat namin sa Anxious nandun pa rin ang takot na sinasabi namin" -Marian.
Sobrang hirap siguro mapunta sa kalagayan nila.