Ashley's POV Nagising ako na walang kasama dito sa kwarto ko dito sa hospital kaya naman tumayo ako at saka tumunganga sa bintana. Siguro kung hindi lang nagkaganito ang boses ko siguro nagpapractise na kami ngayon or siguro pinagpapractise'san ko ang ginawa kong rap. Namimiss ko nang kumanta. Napapitlag naman ako ng may tumakip sa mata ko magwawala na sana ako kaya lang naamoy ko ang pamilyar na amoy na gusto ko laging naaamoy, ang pabango nya. Hinawakan ko ang kamay nya at ibinaba ng dahan dahan at bumungad sakin ang nakangiti nyang mukha kaya naman ngumiti din ako. "Bakit nandito ka hindi ka nakahiga?" Umirap naman ako saka ko kinuha ang binigay ni Dr. Mendrez. 'Wala lang akong boses pero di ako paralisado baliw ka ba?' "Nabaliw pa ako" tapos nag pout sya at umiling iling naman a